Kung masakit ang iyong lalamunan (sore throat), maaari kang bumili ng Strepsils. Ang Strepsils ay available sa halos lahat ng botika gaya ng South Star Drug, Watsons, Mercury, The Generics Pharmacy, at iba pa. Hindi na ito nangangailangan ng reseta ng doktor para ikaw ay makabili.
Ang Strepsils ay parang candy lamang, hugis bilog at matamis. Available ito sa iba’t ibang flavors. Mayroong original flavor, honey and lemon, blackcurrant, cherry, orange, strawberry, at iba pa.
Bisitahin ang website na ito para malaman ang pinaka-angkop na flavor ng Strepsils para sa iyong sore throat: http://www.strepsils.co.uk/products/
Bawat flavor kasi, may kanya-kanyang indikasyon. Halimbawa, ang Strepsils Original ay para sa ordinaryong pananakit ng lalamunan. Pero kung ikaw ay may diabetes at nananakit ang iyong lalamunan, ang pinakamainam na flavor sa’yo ay strawberry kasi ito yung sugar-free.
Paano gamutin ang sore throat gamit ang Strepsils?
- Kumuha ng isang Strepsils candy (lozenge).
- Sipsipin ang Strepsils nang dahan-dahan hanggang maubos. Huwag itong kakagatin. Hayaang matunaw.
- Para mas mabilis guminhawa ang iyong lalamunan, mag-Strepsils kada ika-2 o ika-3 oras. Pero huwag hihigit sa 12 na Strepsils sa loob ng 24 oras.
Mga dapat tandaan sa pag-gamit ng Strepsils
- Ang Strepsils ay angkop lamang para sa mga may edad na 16 years old pataas.
- Kung nais gamutin ang bata ng Strepsils, dapat siya ay at least 6 years old. Mayroong pambatang Strepsils.
- Hindi dapat gamutin ng Strepsils ang mga batang below 6 years old.
- Kung ikaw ay buntis o kaya naman ay may asthma, kumonsulta muna sa doktor bago gumamit ng Strepsils.
0 Mga Komento