Ang Prutas at Dahon Nito ay Mabisang Pantanggal ng Mabahong Hininga

gamot sa mabahong hininga

Lahat tayo ay nagkakaroon ng mabahong hininga lalung-lalo na kapag bagong gising sa umaga, o kaya naman ay nakakain ng malalansang pagkain gaya ng bagoong, o kaya naman ay bawang. Pero natural lamang ito. Mawawala ang mabahong hininga kapag nagmumog at nagsipilyo.

Pero ibang usapan na kapag palagiang mabaho ang iyong hininga. Yung tipong kada buka ng bibig mo, umaalingasaw ang mabahong amoy kahit na tapos ka nang magsipilyo.

Ang mga madalas na sanhi ng pagkakaroon ng palagiang mabahong hininga ay ang bulok na ngipin, o kaya naman ay may problema ka sa bituka.

Para malinis ang iyong ngipin at loob ng tiyan, ang prutas na bayabas at ang dahon ng bayabas ay mabisang pantanggal ng mabahong hininga sapagkat may mga kemikal itong nakakatulong para gamutin ang mabahong hininga gaya ng malic, oxalic, phosperic at tannic acids; pati na rin calcium at manganese.

Paano gamitin ang prutas ng bayabas sa paggamot ng mabahong hininga

1. Pumitas ng di kahinugang bayabas. Hugasan.
2. Kumain ng isang bayabas tuwing pagkatapos kumain para matanggal ang mga nagsingit na tinga sa ngipin.

Ang pagkain din ng bayabas ay nakakatulong para malinis ang loob ng tiyan. Bukod dito, mabisa rin ang bayabas para sa mga taong may gastroenteritis.

Paano gamitin ang dahon ng bayabas sa paggamot ng mabahong hininga

Method 1 – Pagnguya ng dahon ng bayabas

1. Pumitas ng ilang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Ngatain o nguyain ang dahon hanggang sa madurog para kumatas.
3. Lunukin ang katas ng dahon ng bayabas.
4. Gawin ito 2x isang araw – umaga at bago matulog.

Method 2 – Paglaga ng dahon ng bayabas

1. Pumitas ng 1 tasang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Pakuluan ito sa 2 tasang tubig.
3. Salain.
4. Inumin ang pinaglagaan 2x isang araw.

Method 3 – Pagsunog ng dahon ng bayabas

1. Pumitas ng ilang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Sunugin ang mga dahon hanggang sa maging abo.
3. Gamiting parang toothpaste ang abo ng mga dahon.
4. Sipilyuhin ang ngipin gamit ang abo ng dahon ng bayabas 1-2x isang araw.

Bagamat ang bayabas ay nakakatulong para mabawasan ang iyong mabahong hininga, hindi ito uubra kung sobrang lala na ng iyong hininga. Mas mainam na magpa-checkup na sa dentista para mabigyan ng tamang lunas.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento