Nakakahawa Ba ang Balakubak? Ating Alamin

nakakahawa ba ang balakubak

May nagtanong sa akin kung nakakahawa ba raw ang balakubak o dandruff. Dati raw kasi, hindi siya binabalakubak. Pero noong nagka-asawa siya, tsaka raw siya nagkaroon ng balakubak. Suspetsa niya ay nahawaan siya ng kanyang asawa dahil may balakubak daw ito. At dahil natutulog sila sa iisang kama, inakala niya na nahawaan siya ng fungi ng balakubak na nanlagi sa mga unan.

Balakubak at fungi

Oo nga naman. Kung ating iisipin, parang pwede ngang makahawa ang taong may balakubak kasi ang isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng balakubak ay isang uri ng fungus na tinatawag na malassezia.

At kadalasan, ang mga sakit na balat na ang sanhi ay fungi gaya ng buni, an-an, alipunga at hadhad ay nakakahawa lalo na kapag ginamit mo ang mga personal na bagay ng mga taong apektado nito.

Nakakahawa ba ang balakubak?

Good news mga readers ng Pinoy Health Tips. Ayon sa Kalusugan.ph, hindi nakakahawa ang balakubak. Bagamat ang isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng balakubak ay fungi, hindi ito nakakahawa.

Kung ikaw ay hindi binabalakubak dati pero nagkaroon ngayon, marahil isa rito ang mga sanhi:

  • naging mas oily ang iyong balat, lalo na sa anit
  • madalas na paggamit ng matatapang na produkto sa buhok gaya ng shampoo, conditioner, gel o hair spray
  • masyado ka nang stress
  • hindi ka na masyadong makapagbanlaw ng buhok nang ayos, o poor hygiene

Kaya naman dun sa nagtanong sakin kung bakit siya nagka-balakubak magmula nang siya ay mag-asawa, marahil kaya siya nagka-balakubak ay dahil sa stress na dulot ng buhay mag-asawa. O kaya naman ay hindi na siya makapag-ayos ng sarili niya o makaligo nang madalas dahil busy sa pag-aasikaso ng kanyang pamilya.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento