Masasabing ikaw ay may low blood pressure o mababang presyon ng dugo kung ang iyong presyon ay nasa 90/60 mmHg o mas mababa pa dito.
Sintomas ng low blood pressure
Ang sintomas ng low blood pressure ay halos hindi nalalayo sa mga sintomas ng mataas na presyon gaya ng:
- pananakit ng ulo
- pagkahilo
- panlalabo ng mata
- panghihina
- panlalamig
- pagkahingal o mabilis na pagkapagod
Ang iba pang unique na sintomas nito ay:
- mabilis ngunit mahinang pulso
- pagkauhaw
- kawalan ng focus at depresyon
- pananakit ng tiyan
- pamumutla ng balat
- pagkahimatay
Ano ang dapat gawin para maibsan ang mababang presyon ng dugo?
Narito ang mga simpleng lunas para sa iyong low blood pressure:
- Uminom ng maraming tubig para maibsan ang pagkauhaw.
- Kumain ng mga pagkain na medyo maalat sapagkat ang sodium na galing sa maaalat na pagkain ay nakakatulong makapagpataas ng presyon.
- Mag-unat unat nang bahagya o igalaw-galaw ang mga kamay at paa para may dumaloy na dugo sa katawan at mawala ang iyong pamumutla.
- Kung ikaw ay hinihingal o napapagod pa, humiga ng mas mataas ang ulo kaysa paa, o kaya ay umupo na lamang.
- Kumain nang madalas pero untian lamang ang iyong pagkain para hindi ka manghina.
- Magsuot ng compression stockings o kahit medyas para dumaloy ang mas maraming dugo sa iyong upper body.
Mayroon bang iniinom na gamot para sa low blood pressure?
Ayon sa WebMD, ang mga karaniwang gamot na binibigay sa mga taong may low blood pressure ay Fludrocortisone at Midodrine. Bago uminom ng mga gamot na ito, siguraduhin munang nagpa-checkup ka sa doktor.
Pero kadalasan, ang simpleng low blood pressure ay hindi na nangangailangan ng medikasyon at maaaring bumalik sa normal ang iyong presyon kung gagawin mo ang mga home remedies na nakasaad sa taas.
0 Mga Komento