Paano Ihanda ang Halamang Gamot na Oregano Para sa Ubo

oregano halamang gamot para sa ubo 
  1. Pumitas ng 15 dahon ng oregano o hanggang sa mapuno ang isang tasa ng dahon. Hindi talbos ng oregano ang pinipitas, kundi yung malalaki nang dahon. Piliin ang mga dahon na walang sira ng mga insekto.
  2. Hugasan ang mga pinitas na dahon.
  3. Ilagay ang mga dahon sa isang takure o anumang pwedeng pagpakuluan. Pagkatapos ay lagyan ito ng 3 tasang tubig.
  4. Pakuluan ang mga dahon sa loob ng 10-15 minutes.
  5. Inumin ang isang tasa ng pinakuluang oregano. Uminom nito 3 beses isang araw. (umaga, tanghali, gabi)

Base sa aking karanasan noong ako ay may ubo, ang lasa ng pinakuluang oregano ay medyo mapait at matabang. Kaya naman ang ginagawa ng nanay ko dati ay pinipigaan niya ng isang kalamansi yung isang tasa ng oregano at nilalagyan niya ng isang teaspoon ng asukal. Sa iba, hinahaluan nila ito ng honey.

Source: http://kalusugan.ph/halamang-gamot-para-sa-ubot-sipon-oregano/

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento