Kung may ubo ang iyong baby o sanggol, huwag mo siyang paiinumin ng gamot sa ubo na pang-matanda. Iba ang formulation o pagkakagawa ng mga gamot pang-matanda. Kumbaga, “mas matapang” ito.
Kung wala ka pang pampa-checkup at naghahanap ka ng gamot sa ubo ng baby, i-share ko lang yung nabasa ko from Buhay OFW. (Paborito ko yang source kasi mga doktor talaga nag-susulat ng mga articles dyan).
So ayon kay Dr. Jen ng Buhay OFW, ang mga safe na gamiting gamot sa ubo ng baby ay ang mga sumusunod:
Saline nasal drops
Ayon kay Dr. Jen, safe daw gumamit ng saline nasal drops. Ang saline nasal drops ay tubig na may halong gamot na ipinapatak sa ilong ng iyong baby gamit ang dropper. Ito ay nakakatulong para palambutin ang sipon ng iyong baby upang siya ay makahinga nang maluwag. Depende sa dosage na nakalagay sa brand ng gamot na inyong nabili, ipapatak nyo iyon sa butas ng ilong ng inyong baby.
Sample Saline Nasal Drops |
Para gamitin ang saline nasal drops, basahin ang instruction na nakalagay sa box. Pero kadalasan, ganito ang paggamit ng saline nasal drops: (Source)
1. Maghugas muna ng kamay bago ibigay ang saline nasal drops.
2. I-check muna kung may nakabarang uhog o sipon sa ilong ng iyong sanggol. Kung meron, linisin ito gamit ang suction bulb (yung pang-baby). Pag kasi barado, hindi papasok sa loob yung ibibigay nyong saline nasal drops.
3. Takalin ang tamang dosage ng saline nasal drops (gamit ang measurement na nasa dropper mismo).
4. Kargahin si baby at suportahan siya gamit ang isa mong kamay. Medyo itingala si baby.
5. Pisilin ang dropper sa isang butas ng ilong ni baby. Dahan-dahan lang para hindi masamid. (Kasi di ba, nakakonekta ang ilong sa lalamunan).
6. Hayaang karga si baby sa loob ng 5 minutes para tuluyang pumasok ang gamot.
Tubig at Breastmilk
Maging sanggol, bata o matanda, kapag may ubo, ang the best pa rin dyan ay ang pag-inom ng tubig. Tubig para sa mga sanggol na above 6 months na, at breastmilk naman para sa below 6 months ang edad.
Ang tubig at breastmilk ay nakakatulong din para palambutin ang uhog o sipon para mas madali itong maiubo ni baby. Dalasan ang pagpapa-inom ng tubig o pagpapadede kay baby kapag siya ay may ubo at sipon.
Honey
Ayon kay Dr. Jen, pwede raw ang honey sa mga baby o batang nasa 1 year old and above ang edad. Pero pag buwan pa lang ang edad, hindi pwedeng ibigay ang honey.
Bigyan ang bata ng kalahating kutsarita ng honey bago matulog. Nakakatulong ito para maibsan ang makati o nakakairitang lalamunan ng iyong baby kapag siya ay may ubo.
Para sa mas detalyadong gamot sa ubo ng baby, check niyo etong article ni Dr. Jen sa Buhay OFW.
0 Mga Komento