Pamparegla na Pagkain: Mga Pagkaing Pwedeng Kainin Para Bumalik ang Regla

pamparegla na pagkain
Image Source

Hindi nireregla? Baka buntis?

Wag assuming lalo na’t wala namang boyfriend at hindi nakikipagtalik.

Kung iregular ang iyong regla o menstruation, o hindi ka dinadatnan 2-3 buwan na, posibleng may sakit ka sa obaryo pero napakadalang nito.

Ang pinaka-usual daw na cause ng pagkawala ng buwanang dalaw ay stress. Totoo ‘yon. May kaklase ako dati, 2 months na siyang hindi nireregla.

NBSB naman siya pero wala pa ring regla. Ang sabi sa kanya ng doktor ay dahil sa stress. Stress sa pag-aaral ng kursong nursing.

Binigyan siya ng mga supplements para bumalik regla niya. Bumalik naman tapos nung dinatnan na, sabi ng kaklase ko parang dapat kumot na ang i-napkin niya sa sobrang dami.

Pamparegla na Pagkain

Kung di niyo naman afford magpa-checkup sa doktor, pwede niyo i-try itong mga pamparegla na pagkain. Pero advisable na magpa-checkup lalo na’t super tagal na wala kayong regla.

Luya

luya pamparegla na pagkain
Luya, Pamparegla na Pagkain

Bukod sa pampaganda ng boses ang salabat, pwede rin itong makatulong para magkaregla ka kasi nag-aaid ito sa contractions ng uterus o matres mo. Magdikdik lang ng luya at pakuluan ito. Lagyan ng asukal o honey kung gusto mo ng manamisnamis. Inumin ito 3x a day for 1 month.

Luyang dilaw o turmeric

luyang dilaw pamparegla na pagkain
Luyang Dilaw o Turmeric, Pamparegla na Pagkain

Pwede ring gawing pamparegla ang luyang dilaw. Kung wala ka makita sa palengke, meron ding luyang dilaw sa mga supermarket ng mga mall. Dikdikin ang luyang dilaw at pakuluan. O kaya naman ay pakuluan ang turmeric powder. Inumin ito 2x a day.

Papaya 

papaya pamparegla na pagkain
Papaya, Pamparegla na Pagkain

Kumain ng hinog na papaya. Mayaman kasi ito sa carotene. Ang carotene ay hindi lamang pampalinaw ng mata. Nakakatulong din ito para magproduce ang iyong katawan ng estrogen hormone – kemikal sa katawan na responsable rin sa pagkakaroon ng regla. Kung may available na maliliit na papaya, kumain nito 1x araw-araw. Kung malaki naman ang available sa palengke, kumain ng 2-3 slices.

Pinya

pinya pamparegla na pagkain
Pinya, Pamparegla na Pagkain

Ang pagkain ng pinya ay nagbibigay init sa katawan kaya nakakatulong ito para ikaw ay magkaroon ng regla. Pwede niyo itong gawing dessert o panghimagas kada meals.

Aloe Vera

aloe vera pamparegla na pagkain
Aloe Vera, Pamparegla na Pagkain

Yes po. Pwedeng kainin ang Aloe Vera. Ngayon ko lang din nalaman. Akala ko pangkuskos lang ito sa anit para lumago ang buhok. Kumuha ng mga dahon ng Aloe Vera, balatan at kayudin yung gel. Durugin o i-blender ang gel para gawing juice. Lagyan ng konting tubig at haluin. Pwede ring lagyan ng asukal o honey. Inumin 1x before breakfast.

Pagkaing may protina gaya ng itlog at tokwa

protein pamparegla na pagkain
Protein-Rich Foods, Pamparegla na Pagkain

Ang mga pagkaing may protina ay nakakatulong din para ikaw ay magka-regla. Pinakamainam kainin ang itlog at tokwa. Pwedeng ilaga ang itlog, iprito o isahog sa iba niyo pang ulam. Sa tokwa naman, pwede mo siyang iprito, ilahok sa salad o gawing tokwa’t baboy.

Kayo mga ladies, anu-ano pang mga pagkain ang alam niyong pamparegla?

Sources:
1 / 2 / 3

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento