Ang myoma ay isang klase ng tumor sa uterus o matris ng babae. Ang myoma ay nangangahulugang “fibroid tumor” o mala-hiblang tumor. Bagamat ito ay isang tumor, ito ay cancer na hindi gaanong mapanganib, o yung tinatawag nating benign cancer lamang.
May tatlong uri ng myoma:
1. Subserous – ang tumor ay nasa labas lamang ng matris
2. Intramural – pinaka-pangkaraniwang uri ng myoma, ang tumor ay nasa haligi ng matris
3. Submucous – pinaka-nagdudulot ng maraming sakit sa babae sapagkat ang tumor ay nasa uterine lining at pwede pang umextend sa uterine cavity
Ano ang sintomas ng mucous myoma?
Ngayon, ang ating pag-uusapan ay ang submucous myoma. Sa Pilipinas, nakaugalian ng tawagin ng mga doktor ang submucous myoma ng mucous myoma lamang.
Kapag ikaw ay may mucous myoma, makakaramdam ka ng matinding pananakit sa iyong puson habang ikaw ay nireregla.
Mapapansin mo rin na mas malakas at mas matagal kang nireregla kung ikaw ay may mucous myoma.
Ano ang itsura ng mucous myoma?
Para malaman kung ano ang itsura nito, panoorin ang video:
Ano ang sanhi kung bakit nagkakaroon ng mucous myoma?
Sa anumang klaseng uri ng myoma, hindi tiyak ang kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng ganitong sakit ang mga babae.
Pero ayon sa mga eksperto, madalas magkaroon ng myoma ang mga babae kung sinapitan na sila ng regla dahil ang katawan nila ay nag-proproduce ng mas maraming estrogen.
Ang estrogen ay isang uri ng hormone na tumutulong para ma-develop ang female characteristics ng mga babae.
Kung menopause na ang babae, unti-unting mawawala na rin ang myoma.
Paalala:
Kung may nararamdamang matinding pananakit habang nireregla, magpakonsulta na agad sa doktor upang malapatan ng angkop na lunas.
0 Mga Komento