Pwede bang Putulan ng Kuko ang Bagong Silang na Sanggol?

Ang mga kuko ng bagong silang na sanggol ay mabilis humaba. Minsan pa nga, pagkapanganak pa lang nito ay may mahaba na silang mga kuko.

Ang tanong ng mga magulang ngayon ay kung pwede ba silang putulan ng kuko? Marahil sa pangambang pwedeng masaktan ang sanggol sa pagpuputol ng kuko ay kaya nila ito naitatanong.

Oo, maaari at kailangang putulin ang mahabang kuko ng bagong silang na sanggol.

Bakit kailangang putulin ang mahabang kuko ng sanggol?

Ang sanggol ay malikot, lalo na ang mga kamay nito. Maaaring makalmot niya ang kanyang sarili at mukha kung siya ay may mahahabang kuko.

Ano ang ligtas na paraan para putulan ng kuko ang sanggol?

Ang kuko ng sanggol ay mas malambot kumpara sa kuko ng mga matatanda. Pwede kang gumamit lang ng nail file o emery board para bawasan ang mahabang kuko.

Pwede rin gumamit ng nail cutter na para talaga sa mga sanggol. Iwasan ang paggamit ng nail cutter ng mga matatanda para putulan ang kuko ng bata. Baka mas mahagip pa ang balat nito.

Sources:

Baby Centre UK
LiveStrong

Image Sources: 1 / 2

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento