Kailan Nakakakita ang Bagong Silang na Sanggol?

Maraming bagong ina ang nababahala dahil hindi mapirmi o maka-focus ang mata ng bagong silang na sanggol, ngunit ito ay normal lamang.

Lingid sa kaalaman ng iba, ang bagong silang na sanggol ay maaari nating sabihing bulag pa o hindi pa nakakakita, sapagkat ang “nakikita” lamang nila ay ang mga kulay na itim, puti at grey. Bukod dito, nakaka-detect din ang bagong silang na sanggol ng ilaw at paggalaw ng mga bagay.

Kailan nga ba nakakakita ang mga sanggol?

Pagkalipas ng mga ilang araw, marerecognize na ng sanggol ang mukha ng kanilang ina lalo na’t pag malapit ang mukha nila habang nagpapasuso.

Pagkatapos ng isang buwan, magagawa nang makipag-eye contact ng sanggol at makakita ng mga bagay na may layong 12 pulgada.

Asahan na habang lumalaki ang sanggol ay mag-iimprove ang paningin nito lalo na’t pagsapit nila ng 1 taon.

Sources:

All About Vision
Baby Center

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento