Image Source: Buzzfeed |
Noon, akala ko pag nanganak ka na, balik agad sa dating hugis ang iyong katawan, lalo na ang iyong tiyan. Kasi, nakalabas na si baby di ba? Pero di pala ganon yun.
Ano nga ba ang nangyayari sa tiyan pagkatapos manganak?
1. Mukha ka pa ring buntis.
Kung ikaw ay normal delivery, mukha ka pa ring buntis pagkatapos manganak. Ang iyong tiyan ay parang may laman pa rin na 5-month old baby. Bakit? Kasi “lumobo” ang iyong matres, matatagalan pa ito bago lumiit ulit at bumalik sa dating pwesto. Isa pa, andyan pa rin yung mga tira-tirang dugo at panubigan na naiwan sa iyong tiyan. Pero kusa naman itong lalabas.
2. Pakiramdam mo ay parang mahuhulog mga lamang-loob ng tiyan mo.
Noong nanganak ako, pakiramdam ko ay mahuhulog ang mga bituka ko. Siyempre, nagkaroon ulit ng space di ba noong nailabas mo na si baby. Habang lumalaki siya sa loob ng iyong tiyan noon, ay tinutulak nito ang iyong mga organs at nasisiksik kung saan-saan. Kaya naman noong nailabas na si baby, parang nagrambulan sa loob ang iyong mga organs. Noong unang pagtayo ko nga sa kama, talagang naramdaman kong nagbagsakan mga lamang-loob ko.
3. Mabigat ang pakiramdam ng iyong tiyan.
Hindi ko lang alam sa iba, pero noong nanganak ako, parang mas mabigat pa yung pakiramdam ng tiyan ko kaysa noong nagbubuntis pa ako. Sinusuportahan ko nga yung tiyan ko ng kamay ko dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam, tapos parang mahuhulog pa mga bituka ko. Para makakilos ka nang maayos, talian mo yung ilalim ng tiyan mo ng paha or yung mahabang scarf ba, para ito yung susuporta sa bigat ng tiyan mo.
4. Nagiging malambot na malambot ang tiyan mo.
Pagkatapos kong manganak nang normal delivery, yung tiyan mo parang ang lambot-lambot. Parang lobo na may tubig. Sobrang jiggly niya kapag i-shashake mo yung tiyan mo. Parang yung mga lawlaw na balat ng mga matatanda sa mga braso nila.
5. Mag-uultawan ang mga stretchmarks mo.
Akala ko, ang unti lang ng stretchmarks ko. Pero nung nanganak ako, saka lahat nag-ultawan yung mga stretchmarks ko. At sobrang hapdi nila. Pero yung ibang mommies, masweswerte. Wala silang stretchmarks kahit naunat nang sobra yung tiyan nila.
Sa ibang mga mommies dyan, ano pa yung mga na-notice nyong pagbabago sa tiyan nyo after niyo manganak?
0 Mga Komento