Mga Pagkaing Pampapayat

Happy New Year mga ka-PHT!

Napapanahon na naman ng paggawa ng bagong resolusyon, at ang isa sa mga nangunguna sa listahan ay ang pagpapapayat.

Bagamat maraming nagkalat na mga gamot at inumin na pampapayat, hindi natin maitatanggi na ang mga ito ay may kamahalan.

Pero maaari mo pa ring maabot ang iyong pinapangarap na payat na pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga herbal na ito:

Pagkaing Pampapayat #1. Sili

pagkaing pampapayat sili
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner

Ayon kay Doc Willie Ong, ang sili ay mabisang pagkain na pampayat dahil pinapabilis nito ang metabolism ng ating katawan. Kapag kumain ka ng sili, pinapainit nito ang iyong katawan at tinutunaw ang iyong calories o mga taba-taba. Kaya naman, kahit hindi ka nag-ehersisyo, basta kumain ka ng sili, ay talaga namang pagpapawisan ka.

Pagkaing Pampapayat #2. Luya

pagkaing pampapayat luya
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner

Ang luya ay isa ring mabisang pagkaing pampapayat. Gaya ng sili, ito ay nakakapagpainit ng katawan. At kapag uminom ka ng tsaa na gawa sa luya, ikaw ay mabilis na mabubusog. Kaya naman, hindi ka agad-agad magugutom at kakain nang kakain.

Pagkaing Pampapayat #3. Oregano

pagkaing pampapayat oregano
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner

Ang oregano ay kilala bilang halamang gamot sa ubo at sipon, pero mabisa rin itong pampapayat. Dahil sa taglay nitong anti-inflammatory properties, nababawasan nito ang mga cellulite ng iyong katawan na karaniwang nasa iyong pwetan at likod ng hita.

Pagkaing Pampapayat #4. Paminta

pagkaing pampapayat paminta
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner

Ang paminta ay epektibo ring pampabilis ng metabolism ng katawan para matunaw ang mga taba-taba. Para sa mas mabisang pampapayat, kumain ng 1-2 ng pamintang buo tuwing umaga. Kung hindi mo naman kaya ang maanghang na lasa nito, ilahok ito sa iyong mga paboritong ulam.

Pagkaing Pampapayat #5. Gumamela

pagkaing pampapayat gumamela
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner

Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang bulaklak ng gumamela ay pwedeng kainin. Pwede ka ring gumawa ng gumamela tea para sa iyong weight loss goal. Ang gumamela kasi ay may kakayahan ding pabilisin ang metabolism ng katawan para ikaw ay pumayat. Sabi nila, ang gumamela tea ay medyo manamis-namis.

Pagkaing Pampapayat #6. Aloe Vera

pagkaing pampapayat aloe vera
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner

Isa pang halaman na pwede rin palang kainin ay ang aloe vera. Bukod sa kinukuskos ang gel nito para lumago at maging shiny ang iyong buhok, pwede rin pala itong gawing tsaa o juice para ikaw ay pumayat. Ang aloe vera ay may anti-oxidants para linisin ang ating katawan at maging toxin-free. Kailangan kasi ng toxin-free na katawan para ikaw ay mag-umpisang pumayat.

Pagkaing Pampapayat #7. Bawang

pagkaing pampapayat bawang
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner

Hindi lang mabisang pampababa ng altapresyon ang bawang. Mabisa rin itong pampapayat. Ang pagkain ng hilaw na bawang ay nagpapainit ng katawan, na siya namang nagpapapawis para ikaw ay pumayat. May taglay din itong anti-oxidants para maging toxin-free ang ating katawan.

Pagkaing Pampapayat #8. Neem Flower

pagkaing pampapayat neem flower
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner

Ang neem ay kadalasang ginagamit para pangtaboy ng mga lamok. Pero pwede palang gawing juice ang bulaklak nito para pumayat ang ating pangangatawan. Ang juice na gawa sa neem flower ay may kapaitan, kaya upang mabawasan ang pait nito, haluan ito ng lemon o honey.

Hindi porket ikaw ay araw-araw kumakain ng mga halamang pampapayat na ito ay ura-urada ka ng papayat. Kailangan pa rin haluan ng pag-eehersisyo at balanseng nutrisyon upang ikaw ay pumayat.

Para sa mga masugid nating mambabasa, anu-ano pang mga halaman ang alam niyong mabisang pampayat? I-share sa comment box!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento