Ang Serpentina, o Indian Snakeroot, ay isang uri ng halamang gamot na laganap sa Asia, lalung-lalo na sa India, Indonesia, China at syempre, Pilipinas.
Tinagurian itong King of Bitters, dahil sa sobrang kapaitan nito, tinalo pa ang ampalaya. Gaano ito kapait? Ang maliit na pirasong dahon nito na pinakuluan ay mas mapait pa raw ng 10 beses sa ampalaya juice na galing sa malaking bunga.
Kaya dahil sa taglay na kapaitan ng halamang gamot na serpentina, kayang-kaya nitong magpagaling ng sakit na diabetes. Pero hindi lamang diabetes ang kaya nitong pagalingin, marami pang ibang klase ng sakit o kondisyon gaya ng:
- high blood
- insomnia
- hysteria
- katarata
- lagnat
- schizophrenia
- pampamanhid o pampakalma
- nerbyos o sobrang pag-aalala
- psychosis
- epilepsy
- cholera
- hirap na panganganak
- kagat ng makamandag na hayop
- dysmenorrhea
- pagtatae
- mga sakit sa utak o pagkabaliw
- psoriasis o iba pang sakit sa balat
- sakit sa puso
- goiter
- rayuma
- pananakit ng tiyan
- pagtitibi
At marami pang iba. Madali lang magpatubo ng serpentina sa inyong bakuran. Pwede gamitin ang mga buto at tangkay nito para pangtanim. Kahit nasa siyudad ka pa, pwede kang magtanim nito sa mga paso.
0 Mga Komento