Paano Tanggalin ang Langgam na Nakapasok sa Tenga

langgam sa tenga

Kapag may pumasok na insekto sa tenga, lalo na pag langgam, ito ay napakasakit. Noong nasa dorm ako, napasukan ako ng langgam sa tenga at talaga namang nakakaiyak. Kaya kung may ma-encounter man kayong ganitong pangyayari, narito ang ilang mga paraan para tanggalin ang langgam sa loob ng tenga. (Ito ay sabi ng mga nakakatanda.)

1. Patakan ng langis o kaya ay baby oil. 

Pwede mong patakan ang iyong tenga ng kaunting langis o baby oil. O para mas kontrolado mo ang dami ng langis na ilalagay sa iyong tenga, gumamit ka ng cotton buds at langisan ang dulo nito. Ang langis daw kasi ay nakakapigil sa paggalaw at pangangagat ng langgam sa loob ng iyong tenga kasi didikit ito sa langis at malulunod.

2. Bugahan ang tenga ng usok ng sigarilyo.

Kumuha ng sigarilyo at hithitin ito. Imbis na sa labas ibuga ang usok, ibuga ito sa may tenga ng napasukan ng langgam. Ang usok daw kasi nito ay nagsisilbing pesticide sa mga langgam. Kapag naamoy daw ng langgam ang usok, mahihilo at mamamatay ito.

3. Patakan ng tubig, suka, o agua oxigenada.

Isa pang paraan para tanggalin ang langgam sa tenga ay ang paggamit ng tubig, suka, o agua oxigenada. Sabi ng mga nakakatanda, epektibo ang paraan na ito para malunod yung langgam at di makapasok ang hangin.

4. Maglagay ng butil ng asukal, o pahiran ng laway malapit sa butas ng tenga.

Para raw maakit lumabas ang langgam, maglagay daw ng butil ng asukal o pahiran ng laway yung bungad ng tenga. Matamis daw kasi ang asukal at laway. Maaamoy daw ito ng langgam, kaya naman ito ay lalabas.

5. I-flashlight ang tenga.

Yung pag-flashlight naman sa tenga, maaakit daw yung langgam sa liwanag at ito daw ay lalabas. Parang gamu-gamo lang ang peg.

Sa limang paraan na nabanggit, ang sa tingin ko na pinaka-epektibo at mabilis na paraan ay yung pagpatak ng langis. Nasubukan na kasi namin yun. Mas effective din siya kaysa sa pagbuga ng usok ng sigarilyo sa tenga. Nasubukan na rin namin ito, pero parang nahilo lang at nawalan ng malay yung langgam. After a few minutes, nangangagat na naman siya sa loob ng tenga.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento