Mga Pangunahing Lunas Kapag Inatake ng High Blood Pressure o Altapresyon

first aid sa inatake ng altapresyon

Kadalasan, masasabing ikaw ay may high blood pressure o altapresyon kapag ang iyong blood pressure (BP) ay pumatak sa 140/90 o mas mataas pa dito.

Mas mataas ang tiyansa mong magka-altapresyon kung ikaw ay:

– may edad na
– nasa isang stressful na sitwasyon 
– mataba
– palakain ng maaalat na pagkain
– mahilig mag-inom
– naninigarilyo
– may diabetes
– o talagang nasa lahi niyo na

Ang mga sintomas ng altapresyon ay maaaring alinman dito:

– pananakit ng ulo
– pananakit ng batok
– pananakit ng mata, panlalabo ng mata
– panghihina
– hirap sa paghinga
– pananakit ng dibdib
– panlalamig
– pangangapal ng labi
– pangangapal ng tainga

Kapag inatake ng altapresyon, gawin ang alinmang naaangkop na pangunahing lunas na nakasaad dito:

  1. Uminom ng tap water o maligamgam na tubig. Ang tubig ay nakakapagpababa ng sodium o asin sa katawan na nakakapagpataas ng presyon. Hanggat maaari, uminom lamang ng tap water o maligamgam na tubig kaysa malamig na tubig. Ang maligamgam na tubig kasi ay nakakatulong sa pagpapaluwag ng blood vessels o mga daanan ng dugo.
  2. Uminom ng pineapple juice. Kung ikaw ay inatake ng altapresyon, tumataas ang iyong sodium level. Kaya para pababain ito, kailangan mong uminom ng mga inumin na mayaman sa potassium gaya ng natural na pineapple juice. Ang potassium ay tumutulong magbalanse ng blood pressure sa katawan, at ang fibers na matatagpuan sa pineapple juice ay winawalis ang mga kolesterol na nakabara sa blood vessels.
  3. Kumain ng hilaw na bawang. Kapag tumataas ang iyong presyon, naninigas at naninikip ang iyong blood vessels. Dahil dito, hindi makadaloy nang maayos ang iyong dugo. Ang pagkain ng hilaw o sariwang bawang ay may kakayanang i-relax ang muscles ng iyong blood vessels. Kung makakadaloy nang maayos ang dugo, bababa ang iyong presyon.
  4. Pagsuka ng mga kinain. Kung ang naging dulot ng altapresyon ay pagkain ng mga nakaka-highblood na pagkain, isuka ang mga ito. Base sa personal na sitwasyon, guminhawa ang aking pakiramdam nang isinuka ko ang aking kinaing taba ng talangka. Makalipas ang ilang minuto, nawala ang aking pananakit ng batok, panlalamig at panghihina.
  5. Magpahinga. Dahil ang mataas na presyon ay nagdudulot ng pagkahilo at panghihina, mas mainam na magpahinga muna kaysa magkikilos. Kung maaari, matulog nang nakadapa para bumaba ang presyon.
  6. Uminom ng gamot. Ang karaniwang anti-hypertensive na gamot na ibinibigay ng mga doktor para pababain ang presyon ng kanilang pasyente ay isang tableta ng Captopril 25 mg o kaya naman ay Clonidine 75 mcg. Inumin ang alinman sa mga gamo na ito. Kung gusto mo namang mabilis na umepekto ang gamot, hayaang matunaw ang gamot sa ilalim ng dila.


Tandaan, ang pagkonsulta sa doktor ang pinakamainam na gawin kung ikaw ay inatake ng altapresyon para malaman mo ang pinaka-angkop na lunas. Maging maingat sa pag-inom ng mga anti-hypertensive na gamot na madaling mabili sa mga botika.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento