First Aid sa Nahimatay: Ano ang Dapat Gawin?

first aid sa nahimatay

Nahihimatay ang isang tao kapag nagkulang ang dugong dumadaloy sa kanyang utak. Kung ikaw ay may nakitang taong nahimatay, ito ang mga maaari mong gawin para makatulong.

  1. Bigyan ng sapat na bentilasyon. Dalhin ang nahimatay sa lugar na may sapat na bentilasyon. Alisin ang pasyente sa siksikang lugar o sa palibot ng mga taong nakikiusyoso. Kung wala talagang lugar na mas maginhawa, paypayan ang nahimatay para magkaroon ng kaunting hangin.
  2. Ihiga ang nahimatay. Kung pwedeng makahiga ang nahimatay, pahigain ito nang nakataas ang mga paa para makadaloy ang sapat na dugo papuntang utak.
  3. Paupuin. Kung hindi naman makakahiga, paupuin ang nahimatay nang nakatungo. Idikit ang ulo sa pag-itan ng mga hita habang nakaupo.
  4. Alisin ang masisikip na pananamit. Para madaling makahinga ang nahimatay, alisin ang pagkakabutones ng bra, blusa o polo, pantalon at sinturon. Habang ginagawa ito, panatilihin pa rin ang privacy ng nahimatay.
  5. Huwag pipiliting painumin ng tubig. Ang taong nahimatay ay walang malay. Kung bibigyan mo ang pasyente ng tubig, maaari siyang mabulunan; mas delikado. Kaya hindi totoo ang mga napapanuod sa TV at sabi-sabi ng matatanda na dapat painumin agad ng tubig ang nahimatay.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento