Okay Lang Bang Makipagtalik Kahit Buntis?

pakikipagtalik habang buntis

Kung ikaw ay buntis, okay lang makipagtalik sa iyong asawa. Hindi ito bawal lalung-lalo na kung ang pagbubuntis mo ay wala namang komplikasyon.

Bakit Pwedeng Makipagtalik Kahit Ikaw ay Buntis?

Una sa lahat, ang iyong baby ay maraming proteksyon para hindi siya masaktan kahit na sobrang galaw mo habang nakikipagtalik.

Nariyan ang iyong amniotic fluid o ang iyong panubigan na nagsisilbing cushion o unan para hindi siya masaktan sa kahit anong likot mong gumalaw. Pinoprotektahan din ang iyong baby ng makapal mong mucus plug, na siyang nagsasara sa iyong cervix. Kaya wala ka dapat ikabahala.

Bakit Sabi ng Iba Bawal Makipagtalik Kapag Buntis?

Although sabi ng ibang OB ay pwedeng makipagtalik kahit buntis ka, meron ding ilang OB na pinagbabawalan makipagtalik ang mga pasyente nilang buntis.

Gaya na lang dun sa OB ko noon. Ang sabi niya sa akin, huwag na raw akong makipagtalik sa aking asawa pagtapak ng 6 months. Nagdudulot daw kasi ang pakikipag-sex ng premature labor at delikado na sa ganoong buwan pataas. Sumunod naman ako, at isa pa, hindi rin talaga ako komportable ng nakikipagtalik habang buntis.

Kaya depende pa rin sa ipapayo ng iyong OB kung pwede kang makipagtalik o hindi habang buntis.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento