Marahil ay alam niyo na na kapag exclusive breastfeeding ka sa iyong baby hanggang 6 months ay hindi ka mabubuntis. Ang tawag dito ay lactational amenorrhea method (LAM), isang epektibo at no-cost na birth control method.
Kapag kasi ikaw ay eksklusibong nagpapasuso kay baby, ang iyong obaryo ay hindi mag-proproduce ng egg cell. Busy kasi yung hormones sa paggawa ng breast milk, kaya tumitigil ang pag-produce ng egg cell.
Habang ikaw ay eksklusibong nagpapasuso sa loob ng 6 na buwan, hindi ka dapat magkakaregla. Pero bakit ganon? Nagkaregla ka agad kahit na exclusive breastfeeding ka?
Ang 2-Hour or 3-Hour Rule
Bagamat exclusive breastfeeding ka sa iyong baby, kung hindi mo naman nasusunod ang 2-hour or 3-hour rule, hindi bibisa ang lactational amenorrhea method.
Ang 2-hour or 3-hour rule ay ang pagpapasuso sa iyong baby every 2 or 3 hours. Kung hindi mo nasusunod ito, imbis na ma-busy yung hormones mo sa pag-proproduce ng breast milk ay mag-proproduce sila ng egg cell hanggang sa ikaw ay mag-ovulate at magka-regla.
Kaya kung gusto mong hindi agad-agad mabuntis, pasusuhin mo ang iyong baby kada 2 o 3 oras. Bagamat wala kang ginagastos para sa birth control method na ito, kailangan mo ng sipag at tiyaga para magpasuso sa iyong baby.
0 Mga Komento