Bawal ba Talagang Maligo ang May Regla?

bawal ba talagang maligo ang may regla

Siguro, may nanay kayo na sinabihan din kayo na huwag maliligo kapag may regla o mens dahil kayo ay maloloka. Usong-usong advice ito mula sa ating mga nanay noon pa. Lalung-lao na ng mga nanay na laking probinsya. Kahit nga nanay ko, sinabihan din akong huwag maligo noong una akong nagkaroon ng regla. Ang pwede lang daw ay maghinaw. Pero ito ay nagbago nang naging mas informed ang mga tao.

Pero bawal nga ba talagang maligo ang may regla? Ang sagot ay hindi bawal.

Isipin na lang natin kung ano ang nararamdaman natin kapag tayo ay nireregla:

– mas lalong nanlalagkit ang katawan
– mas lalong pinagpapawisan
– mas iritable
– mas madaling magkaroon ng amoy
– mas nagiging malangis ang buhok at mukha
– mas tinutubuan ng tagihawat
– mas madaling mapagod
– mas maraming nararamdamang pangangati sa balat

At marami pang iba. Ang simpleng hinaw ay di sapat para alisin ang lahat ng mga ito.

Ang pagkakaroon ng regla ay nagbibigay ng unpleasant na pakiramdam at napaka-stressful. At kung hindi ka pa maliligo, lalo pa itong lalala. Bukod sa mga nabanggit sa taas, kapag ikaw ay hindi naligo, mas prone ka sa infection.

Pero kung ikaw ay maliligo, makakatulong ang paliligo ng maligamgam na tubig para mabawasan ang iyong panlalagkit, pagkairita at pagkapagod.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento