Noong bata pa ako, nakagat ako ng alaga naming aso. Kinukulit ko kasi. Kaya ayon, nakagat. Ang naaalala kong first aid na ginawa sakin noon ay pagtapal ng bawang doon sa maliit kong sugat. (Saka na natin pag-usapan kung epektibo ngang pang-first aid ang bawang sa kagat ng aso).
Pero kung ikaw ay nakagat ng aso, eto muna ang iyong dapat unahing gawin, bago ang lahat-lahat.
Gawin ang sumusunod na first aid sa kagat ng aso:
1. Hugasan ang nakagat na parte ng katawan gamit ang sabon at tubig.
Kahit anong anti-bacterial soap ay pwedeng gamitin para hugasan ang nakagat na parte ng aso. Pwede kang gumamit ng mga sikat na anti-bacterial soap gaya ng Safeguard. Nakakatulong ito para maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon sa sugat.
Kung wala ka namang anti-bacterial soap, kahit anong gamit niyong sabon na pampaligo, basta mahugasan agad.
Pero ayon dito sa artikulo ng RiteMed, mainam din daw ang sabong panglaba kasi mas matapang daw itong pamatay ng bacteria. Kunsabagay, may anti-bacterial properties din naman kasi ang mga sabong panlaba.
2. Sabunin nang maigi ang sugat sa umaagos na tubig sa loob ng 10 minutes.
Nakakatulong ang paghugas sa running water para ma-wash away talaga ang mga present na bacteria sa sugat, o kaya naman ay para mahugasan nang husto ang anumang virus na nasama sa laway ng aso.
Pagkatapos mahugasan ang sugat sa umaagos na tubig, banlawan ito nang ayos at patuyuin gamit ang isang malinis na panyo o bimpo.
3. Gaya ng pag-aasikaso sa normal na sugat, pahiran ito ng povidone iodine (o Betadine).
Ang povidone iodine ay pwedeng ipahid para lamang sa mga mabababaw na sugat, o kapag galos lamang ang kagat ng aso.
Pero kapag grabe ang kagat ng aso o puncture wound (yung patusok at baon ang pagkakakagat), hindi inaadvise na pahiran ito ng povidone iodine dahil nakakabagal ito ng pag-galing ng sugat.
4. Pagkatapos ay dalhin ang pasyente sa ospital para mas masuri nang maigi ng mga doktor.
Noong nakagat ako ng aso, hindi ako dinala sa health center o ospital kasi galos lang at ang naka-kagat sakin ay yung aso namin. Kumbaga sabi ng mga nakakatanda, ayos lang kasi sariling aso yung nakakagat at alam namin kung malinis o hindi.
Pero para mas safe at sigurado, dalhin ang pasyente sa health center o ospital para masuri. Mapa-aso niyo o aso ng iba ang nakakagat sa inyo. Lalung-lalo na kung ang sugat ay puncture wound.
5. Hulihin at obserbahan ang asong nangagat within 10 days.
Ang incubation period kasi ng rabies ay pwedeng 1 week. Kumbaga, hindi porket nakagat ka ngayong araw tapos hindi ka nagkasintomas ng rabies kinabukasan eh safe ka na. Kaya sinu-suggest na obserbahan yung aso kahit hanggang 10 days.
Kung after 10 days at napansin mong naglalaway at parang naging ‘ulol’ yung aso, malaking posibilidad na may rabies ito.
Pero tandaan na pwedeng magkasintomas ka pa rin ng rabies kahit after 1-3 months ka nang nakagat ng aso. Kahit nga 1 year, pwede kang magkaroon ng rabies symptoms depende sa parteng nakagat at gaano ito kalala.
Para sa iba pang dagdag na detalye, basahin ang mga artikulong ito:
1. First Aid Tips para sa Kagat ng Aso
2. Rabies sa Pilipinas
0 Mga Komento