Isang common practice sa’ting mga Pinoy na gamitin ang breast milk o gatas ng ina para “pagalingin” ang sore eyes.
Pero nakakagaling nga ba ang gatas ng ina ng sore eyes?
Kung mag-googoogle din kayo, marami kayong mababasa na nakakagaling daw ang breast milk ng sore eyes, kasi ang breast milk daw ay may anti-bacterial properties na nakakapagpagaling ng impeksyon.
Kung ating iisipin, tama nga naman. At maraming tao rin ang nagtetestimonya na nakakagaling nga ng sore eyes ang gatas ng ina. Gaya nito: (Mga ini-screenshot ko sa website forums na nagtatalakay about breast milk for sore eyes.)
O kahit kayo, may sarili kayong kwento na nakapagpagaling nga ang breast milk ng sore eyes.
Pero alam niyo ba na ang sore eyes ay gumagaling nang kusa kahit within 3-5 days lang basta nag-oobserve kayo ng proper hygiene, nililinis at tinatanggal ang muta, at hindi kinukusot ang mata?
Kaya maaaring na-condition lang ang mga isip natin na ang nakapagpagaling nga nito ay yung pinatak niyong breast milk. Pero yun pala, pagaling na talaga yung sore eyes.
Ayon din kay DOH Secretary Paulyn Ubial (Duterte Admin), hindi niya nirerekomenda ang paggamit ng breast milk sa sore eyes.
Bukod sa walang sapat na studies para dito, may panganib na dulot ang pagpatak ng gatas ng ina lalung-lalo na sa mga mata ng sanggol.
Base sa nabasa ko, nakakasira ng cornea ng sanggol ang pagpatak ng breast milk sa mata. Base sa artikulo, ayon sa mga magulang ng sanggol, lalong lumala ang impeksyon ng anak nila nang sinunod nila ang common practice na ito. At ang malala, nabulag ang kanilang sanggol.
At parang naniniwala ako rito. Noon kase nung elementary pa lang ako, may kaklase akong bulag, under siya ng SPED (Special Education), mga batang may kapansanan. Inihahalo sila sa mga regular class paminsan-minsan para makihalubilo at mag-aral kasama ang regular class.
Tinanong ko kung bakit siya nabulag. Ako kasi yung katabi niya at parang guide niya. Ang sabi niya, di raw talaga siya pinanganak na bulag kwento ng magulang niya. Pero noong baby pa lang daw siya, nagka-sore eyes daw siya at pinatakan siya ng breast milk o gatas ng ina. Pagkatapos nun, lumala at nabulag siya.
Conclusion
Dapat bang patakan ng gatas ng ina ang taong may sore eyes?
Ang sagot ay HINDI.
Bakit hindi? Mga rason:
– walang sapat na studies na nakakagaling nga
– kahit may mga may testimonya na nakakagaling, maaaring ang sore eyes ay gumaling lang nang kusa, kasi gumagaling ito within 3-5 days kahit walang gawin basta malinis sa katawan
– hindi rekomendado ni kasalukuyang DOH Secretary Ubial ang breast milk para sa sore eyes
– may mga sitwasyon na ang pagpatak ng breast milk sa mata ng sanggol ay naging sanhi ng pagkabulag
0 Mga Komento