Meron ka bang pawising kamay o kaya naman ay pawising paa?
Ni hindi mo magawang makipag-holding hands sa boyfriend o girlfriend mo (kung meron man) kasi nakakahiya.
O kaya naman pag may pawisin kang paa, nahihiya kang magtanggal ng sapatos mo kapag bumibisita ka sa ibang bahay kasi baka umalingasaw yung amoy.
Diyahe di ba?
Mga simpleng problema pa lang yan pero napakaraming masamang epekto ang pagkakaroon ng sweaty hands and feet sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Masamang epekto ng pagkakaroon ng pawising kamay at paa
Hindi lamang ang iyong love life ang maapektuhan kapag ikaw ay may pawising kamay at paa, o yung tinatawag nating hyperhidrosis – medical term para sa taong labis-labis ang pamamawis sa katawan.
Naaapektuhan din nito ang iba’t ibang aspeto ng iyong buhay gaya ng iyong pakikisalamuha sa ibang tao, mga araw-araw na gawain o trabaho, at emosyonal na aspeto.
Ilan lamang sa mga sumusunod na problema ang palagiang na-eencounter mo:
- Nahihiya ka makipag-shake hands.
- Nahihirapan ka sa pagmamaneho.
- Madulas-dulas ka na sa paglalakad.
- Kung anu-anong sakit sa balat ang tumutubo sa pawisin mong paa.
- Hindi mo mapihit yung door knob o shower.
- Naka-medyas o naka-gloves ka pa rin kahit tirik na tirik yung araw.
- Pakiramdam mo mukha ka laging dugyot.
- Hirap kang humawak ng mga tools.
- Nababasa lagi yung papel na sinusulatan mo.
- Lagi ka nang na-dedepress at wala ka nang confidence humarap sa ibang tao.
- Mas marami kang nilalabhan na damit, gloves, medyas kasi madali kang magpawis.
- Madalas kang maaksidente o madapa kasi ang dulas ng paa mo dahil sa pawis.
- Hindi ka makatakbo nang ayos dahil sa pawising paa.
At marami pang iba. Pero ang good news, pwede mo namang masolusyunan ito sa pamamagitan ng iontophoresis.
Iontophoresis: Mabisang Gamot sa Pawising Kamay at Paa
Ang iontophoresis ay isang uri ng non-invasive treatment na ginagamitan ng special machine para gamutin ang iyong pawising kamay o paa. *Non-invasive, ibig sabihin walang ooperahin sa parte ng katawan mo, sa madaling salita, hindi ito madugong procedure.
Bale sa treatment na ito, ipapatong mo yung kamay mo or yung paa mo sa iontophoresis machine na naglalaman ng special solution (pwede ring tubig lang), tapos pag i-oon mo na yung machine, mag-sesend ito ng bahagyang electrical current sa iyong kamay o paa.
Tama. Kukuryentehin ka ng very light. Pero hindi ba ito delikado?
Safe po ang mag-undergo ng iontophoresis treatment. Para ka lang nangingimi o may maliliit na tumutusok sa kamay o paa mo habang nag-treatreatment, kaya yakang-yaka mo yan.
Watch niyo ‘to para magka-idea kayo kung pano isinasagawa yung iontophoresis:
Saan merong iontophoresis?
Dati, sa mga clinic o ospital lang available magpa-iontophoresis treatment. Pero ngayon, pwede ka ng bumili ng sarili mong iontophoresis machine.
Meron sa Iontoderma na iontophoresis machine na ang tawag eh Iontoderma-iD 1000 (yung nasa video). Ito ay mabisang gamot sa pawising kamay at paa.
Pwede ka sa kanila umorder online o kaya naman ay pumunta ka sa branches nila dito sa Pilipinas kung hindi ka komportable sa online shopping. Check niyo na lang website nila.
Praktikal bang bumili ng sarili mong iontophoresis machine? Di ba pwedeng home remedies na lang?
Eto ha, maraming home remedies ang pwedeng gamot sa pawising kamay at paa gaya ng apple cider vinegar, cornstarch, lemon juice, kamatis at marami pang iba.
Pero kung ikaw ay busy na tao at wala kang panahon para mamalengke araw-araw o linggo-linggo ng mga home remedies na ito, at puhunan mo naman talaga sa trabaho ang iyong kamay at paa (sino ba namang hindi), mas okay na mag-iontophoresis machine ka.
Halimbawa, nasa meeting ka at syempre laging nakikipagkamayan ka sa mga ka-meeting mo, pawisan ung kamay mo, mamasa-masa na after nung meeting. Alangang dun ka pa magpahid sa opisina ng cornstarch at magdurog-durog ng kamatis.
Pero pag nag-iontophoresis ka na sa bahay niyo, long-term effect na ito sa buong araw. Mapipigilan niya yung pagpapawis ng kamay o paa mo kasi yung mild electrical current, may kakayahan siyang itigil yung pagproproduce ng pawis sa sweat glands. Pang-matagalan pa yung machine, hindi nabubulok, hindi pa hassle sa pagpreprepare.
Note:
Ang artikulong ito ay isinulat sa pakikipagkolaborasyon sa Iontoderma upang magbahagi ng kaalaman at masolusyonan ang mga taong pasmado o may pawising kamay at paa.
Kaya kung ikaw ay naghahanap ng mabisang gamot sa pawising kamay at paa, try mo ang iontophoresis treatment.
0 Mga Komento