Kung ikaw ay magtatanong sa mga kakilala mo kung ano ang mabisang halamang gamot para sa mataas na presyon, ang isa sa madalas na i-suggest nila ay tanglad.
Bukod sa bawang, ang tanglad o lemongrass ay naturingan ding effective na gamot para sa highblood kasi ito ay may anti-cholesterol properties. Kumbaga nililinis nito yung mga nakabarang cholesterol sa ugat mo na kung saan dumadaloy yung dugo.
Tama. Hindi lang basta pampabango at pampalasa ng pagkain ang tanglad. Halamang gamot din ito para sa altapresyon.
Kaya kung ikaw ay may highblood, pwede kang sumubok ng tanglad. Pero paano nga ba ito iprepara?
Tanglad para sa highblood: Paano ito iprepara
Madali lamang ihanda ang tanglad para sa highblood. Gagawa ka lang ng tsaa at iinumin mo ‘to ng 2x-3x a day.
*Nakuha ko ang prosesong ito sa The Power of Herbal Medicine.
Ingredients:
1 tali ng dahon ng tanglad
4 na basong tubig
1-2 kutsarang asukal (optional)
Procedure:
1. Gayatin ang mga dahon ng tanglad sa mas maliliit na haba at hugasan ito.
2. Magpakulo ng 4 na basong tubig at ilagay ang mga ginayat na dahon ng tanglad.
3. Pakuluan lamang ito within 3-5 minutes.
4. Salain ito.
5. Pwede mong inumin nang puro ang tsaa na gawa sa tanglad o kaya naman ay pwede kang mag-asukal ng 1-2 kutsara.
Para mas maintindihan niyo, panuorin din ang ginawang video ng Pinoy Herbs & Fruity Medicine.
0 Mga Komento