Pawising Kamay: May Pag-asa pa bang Gumaling?

gamot sa pawising kamay
Image Source: Chirit.com

Nasubukan mo na lahat ang iba’t ibang home remedies para sa pawising kamay. Pero hanggang ngayon, parang gripo pa rin kung mamawis ang iyong mga palad. Sa madaling salita, wa-epek.

Nawawalan ka na ng pag-asa. Ang iyong sweaty fingers ay masyado nang nakasasagabal sa pang-araw-araw mong pamumuhay. Hirap kang makisalamuha sa iba. Ni hindi mo magawang makipag-kamay, tapos aakalain pang suplado/suplada ka.

Nag-google ka na nang nag-google ng home remedies pero wala pa rin. May nakita kang ibang solusyon pero surgery naman. Medyo mabigat sa bulsa. Bukod doon, takot kang magpa-opera.

Sa mga nabasa ko, if magpapa-surgery ka para magamot ang iyong hyperhidrosis (medical term para sa mga taong may kondisyon na labis na pagpapawis), umaabot ito ng 50,000 pesos.

Pero huwag ka mawalan ng pag-asa. Bagamat isa ang surgery sa pinakamabisang solusyon para sa mga taong may hyperhidrosis, meron pang mas affordable na paraan para gumaling ang iyong pawising kamay, at ito ay tinatawag na iontophoresis.

Ano ba ang iontophoresis? Paano ba ito ginagawa para magamot ang pawising kamay?

Ang iontophoresis ay isang uri ng treatment para sa mga taong labis na nagpapawis ang kamay at paa. Ito ay ginagamitan ng iontophoresis machine. Ganito ang itsura nya:

Image Source: Iontoderma.com

Mukhang simpleng machine lang di ba? Parang hard case na plastic envelope lamang siya na may paddings.

Pero paano nga ba gamitin ang iontophoresis machine?

Simple lang ang paggamit nito. Gaya ng nasa larawan, ipapatong mo lang yung kamay (or paa) mo dun sa paddings na may tap water solution. Tapos i-oon mo yung machine. Makakaramdam ka ng konting kuryente kasi ganun mag-work ang iontophoresis machine. Regulated naman ang boltahe kaya no worries.

Yung mild electricity current kasi, may kakayahan siyang i-decrease yung pagproproduce ng pawis ng sweat glands mo. Ayon sa mga studies, ang iontophoresis treatment ay may kakayahang i-decrease ang pagpapawis ng kamay at paa from 81 percent to 91 percent. Not bad na di ba?

Tapos, gagawin mo lang eto at least 1x per week.

Dati-rati, vivisit ka pa ng mga clinic o ospital para magpa-iontophoresis, kasi sila lang yung may ganung equipment. Pero may portable iontophoresis machines na gaya ng nasa picture. Kaya pwedeng-pwede kang mag-iontophoresis treatment sa inyong bahay.

Magkano ba ang iontophoresis machine?

Kumpara sa surgery, mas mura ang magpa-iontophoresis treatment. Bagamat “mas mura,” kailangan mo pa ring mag-ipon kasi nasa 20k plus ang iontophoresis machine. Kaya bawas Starbucks at Mcdo muna para makaipon.

Magandang investment ang iontophoresis machine para sa sarili mo. Yung mala-gripo mong pagpapawis, pwedeng mabawasan at gumaling nang hindi ka na magpa-opera.

Saan ba merong iontophoresis machine sa Pilipinas?

Sa Iontoderma meron. Check mo website nila. Pwede ka umorder online. Eto website: https://iontoderma.com/

If ayaw mo umorder online, pwede ka naman makipag-meet up sa mga agents ng Iontoderma basta within Metro Manila. Click mo na lang yung button sa homepage na “Buy in person (Manila).”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento