Gamot sa Sobrang Pamamawis? Alamin ang Iba’t Ibang Solusyon

gamot sa sobrang pamamawis

Wala ka dapat ikabahala kung ikaw ay nagpapawis kapag mainit ang panahon o kaya naman ay may ginawa kang medyo heavy at galaw ka nang galaw. Normal lang ito. Lahat ng tao ay namamawis sa mga ganitong sitwasyon.

Pero paano kapag malamig na ang panahon at konting kibo mo lang ay sobra-sobra na ang pamamawis mo? Fresh na fresh ang itsura ng lahat ng mga kasama mo pero ikaw, para kang naligo sa ulan. Ang tawag sa ganitong kondisyon ay hyperhidrosis na kung saan ay labis ang pamamawis ng iyong katawan.

Kadalasan, nagiging pawisin ang isang tao sa pagtapak niya sa pagbibinata o pagdadalaga. Mas active na kasi ang sweat glands natin na mag-produce ng pawis kapag nasa adoloscent age na tayo. Yung iba, nawawala ang hyperhidrosis habang tumatanda. Yung iba naman ay hindi, pawisin pa rin.

Kung isa ka sa mga taong nanatili ang hyperhidrosis, meron pa namang pag-asa para ito ay gumaling. Maraming iba’t ibang hyperhidrosis solution ang iyong pwedeng subukan para magamot ang sobra mong pamamawis. Ito ay ang mga sumusunod:

Pagbabago ng iyong lifestyle

Ang pagbabago sa iyong lifestyle ay hindi naman talaga gamot sa sobrang pamamawis, pero makakatulong ito para mabawasan ang iyong labis na pagpapawis. Gawin ang mga sumusunod:

  • Gumamit ng anti-perspirant o kahit deodorant man lang para mabawasan ang sobrang pamamawis ng kili-kili.
  • Magsuot ng mahangin, manipis o maginhawang damit para makadaloy ang hangin at matuyo-tuyo ang pawis na nag-bubuild up sa katawan.
  • Bawasan din ang pagkain ng maaanghang na pagkain, alak at kape kasi magpapawis ka kapag kinain o ininom mo ang mga ito.
  • Maglagay ng shoe pads para masipsip yung pawis sa paa.

Sumailalim sa iontophoresis treatment

Natalakay na natin ito nung minsan. Ang iontophoresis ay isang uri ng gamot sa sobrang pamamawis na ginagamitan ng iontophoresis machine. Ilulublob mo ang iyong mga kamay o paa sa isang lalagyan na may tubig tapos may konting electrical current na dadaloy sa iyo. Regulated at calibrated naman ito kaya wala ka dapat ikabahala.

Paggamit ng anticholinergic drugs

Kapag ikaw ay nagpa-checkup sa doktor para malaman kung ano ang gamot sa sobrang pamamawis, kadalasan ay i-advice nila na mag-take ka ng anticholinergic drugs. Ito yung mga klase ng gamot na talagang iminumungkahi para makontrol mo ang labis na pagpapawis ng iyong katawan. Ang pinaka-common na anticholinergic drugs para sa hyperhidrosis ay oxybutynin, glycopyrrolate at propantheline.

Pagpapa-botox injection

Hindi lamang pampawala ng kulubot ang pagpapa-botox injection. Ang gamot na ginagamit sa botox injection ay pwede ring gamot sa sobrang pamamawis ng kamay, paa at kili-kili. Kapag nagpa-botox ka, pawis-free ka sa loob ng 6 months to 1 year.

Pagpapa-opera o surgery

Kung malala na talaga ang iyong hyperhidrosis, ang last resort mo na ay magpa-opera, na kung saan ay i-cucut ng doktor ang iyong sweat glands para hindi ka na magpawis. Pwede ka magpa-liposuction o kaya naman ay ETS surgery. Check niyo ang article na ‘to: Hyperhidrosis Treatment Overview

Hindi naman nakamamatay ang hyperhidrosis pero nakakahiya na rin kasi at nawawala ang iyong confidence kapag lagi kang namamawis. Bagamat may home remedies para masolusyonan ang iyong pagpapawis, ang effect nito ay hindi pangmatagalan.

Kaya kung ikaw ay naghahanap ng pangmatagalan na solusyon, magpa-checkup sa doktor at tanungin kung ano ang pinaka-epektibong gamot para sa iyo.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento