Halamang Gamot para sa Hika o Asthma

halamang gamot para sa hika o asthma

Base sa Healing Wonders of Philippine Medicinal Plants, narito ang ilang mga halamang gamot para sa may hika o asthma:

1. Talampunay

talampunay hika asthma

Paano gamitin:

1. Magpatuyo ng dahon ng talampunay.
2. Mag-rolyo ng 2 pinatuyong dahon, sindihan at gamitin na parang sigarilyo.
3. Gawin ito every 6 hours.

Matagal nang ginagamit ang talampunay sa mga may asthma o hika. May mga records ng paggamit nito sa Great Britain. Meron daw kasing atropine ang talampunay kaya naman nakakatulong ito para mawala ang bronchial spasm o paninikip ng dibdib ng mga hinihika.

2. Kalatsutsi

kalatsutsi hika asthma

Paano Gamitin:

1. Magpatuyo ng dahon ng kalatsusi.
2. Mag-rolyo ng 2 pinatuyong dahon, sindihan at gamitin na parang sigarilyo.
3. Gawin ito 1x sa umaga at 1x sa gabi.

Pwede ring gumawa ng tsaa gamit ang mga dahon ng kalatsutsi para gamutin ang hika. Nagtataglay kasi ang kalatsutsi ng ant-inflammatory properties na nakakatulong para pahupain ang namamagang airways ng baga.

3. Sampalok (Tree Bark)

sampalok gamot sa hika

Paano gamitin:

1. Kumuha ng 1-foot na tree bark ng sampalok. Tadtarin ito sa maliliit na piraso.
2. Pakuluan ang sampalok tree bark sa 3 basong tubig sa loob ng 10 minuto.
3. Uminom ng isang tasang tsaa pagkatapos kumain ng agahan, tanghalian at hapunan. Uminom din nito bago matulog. Bale 4x a day siya iinumin.

Ang sampalok ay mayroon ding anti-inflammatory properties para umayos ang paghinga ng taong hinihika. Mabisa rin itong pantanggal ng ubo at sipon dahil na rin sa mga mineral at bitaminang taglay nito.

4. Kulitis

Paano gamitin:

1. Manguha ng mga murang sanga, dahon at bulaklak ng kulitis.
2. Pakuluan ang mga sanga, dahon at bulaklak sa 5 basong tubig sa loob ng 10 minuto.
3. Uminom ng isang tasang tsaa ng kulitis 4 na beses sa loob ng isang araw.

Ang kulitis ay makikitang tumutubo lamang sa tabi-tabi, lalo na sa mga probinsya. Sobrang epektibo nito hindi lamang sa hika o asthma, pati na rin sa mga taong may ubo, sipon at plema.

Anu-ano pang mga halamang gamot ang alam niyo na mabisa ring gamot sa hika o asthma? Mangyaring i-share lamang ang inyong mga opinyon sa comment box.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento