Paano Malalaman Kung Buntis Ka?

paano malalaman kung buntis ka

Planado man o hindi ang iyong pagbubuntis, narito ang ilang mga senyales ng pagbubuntis. Ang tatalakayin lang natin dito ay ang “possible signs of pregnancy.” Ang pinaka-maagang senyales ng pagbubuntis pero ito ay “posible” pa lamang, walang kasiguraduhan. May 3 kasing kategorya ang senyales ng pagbubuntis: possible, probable at definitive.

Sa possible signs of pregnancy, pwedeng ikaw ay nagdadalang-tao kung nararanasan o nararamdaman mo ang mga ito:

– Hindi ka nagkakaroon ng regla mahigit 6 na linggo na.
– Pagsusuka at pagkahilo. Makakaramdam ka nito as early as 2 weeks after ng pagtatalik.
– Pananakit, pamamaga at paglaki ng suso. (Pero pwede rin itong senyales na magkakaregla ka na)
– Mas mabilis ka nang mapagod.
– Mas madalas na ang iyong pag-ihi. (Kasi habang may batang lumalaki sa tiyan mo, natutulak nito ang iyong urinary bladder o pantog na nagtritrigger para ikaw ay laging maihi)
– Stretch marks.
– Pagkakaroon ng mga ugat-ugat sa hita, binti at ibang parte ng katawan. (Kasi may dagdag na “pressure” sa iyong katawan kaya lumalabas ang mga ugat)
– May parang pag-galaw sa loob ng iyong tiyan. (Bagamat ilang linggo pa lang ang nakakalipas after mong makipagtalik, posible rin na may maramdaman kang kakaiba sa iyong tiyan)

Maaari ka ring bumili ng pregnancy strips sa botika para malaman mong buntis ka. May nakalagay namang instructions sa packaging nito kung paano ang paggamit.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento