Iba’t Ibang Tawag sa Halamang Gamot na Sambong

tawag sa sambong

Ang jk sambong ay isa sa 10 aprubadong halamang gamot ng DOH. Kilala ito bilang gamot sa kidney stones, ubo, lagnat, rayuma at highblood. Mabisa rin itong pampaihi, kaya ito ay laging inirerekomendang inumin ng mga namamanas.

Kung hindi kayo pamilyar sa itsura ng sambong, ito ay isang maliit na halaman na may mabalahibo o mabolong dahon. Marahil ay nadadaan-daanan mo ito sa mga masusukal o magugubat na lugar, o kahit dyan lang sa bakante nyong lote.

Maraming tawag sa sambong depende sa kung saang lugar ka sa Pilipinas. Narito ang iba’t ibang tawag sa halamang gamot na sambong sa iba’t ibang panig ng Pinas:

  • Tagalog – sambong
  • Bisaya – dalapot, halib on, gabun
  • Mindanao – pahed, pahid, gabbon, gabon, lakadbolan
  • Ilonggo – alibhon
  • Waray – lakadbulan, lakdan bulan, lakdan
  • Leyte – gabon
  • Bohol – hanlib
  • Samar – ginlakdan
  • Capiz – alimhon
  • Negros – alibhon
  • Sorsogon – lakadbolan
  • Dumaguete – dalapot
  • Bicol – lakad bulan
  • Aklan – hinalib on
  • Cebu – gabon

Anong tawag sa sambong sa lugar nyo? Comment na!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento