Kung ikaw ay first-time mom, marahil ay nag-iisip ka kung kailan ba babalik ang iyong regla pagkatapos mong manganak.
Ang sagot dito ay DEPENDE.
Kung ikaw ay regular na nagpapasuso sa iyong sanggol, ang pagbalik ng iyong regla ay matatagalan. Sapagkat ang breastfeeding ay nagsisilbing “natural contraceptive” para hindi ka mabuntis ulit agad. Kapag kasi nagpapasuso ka, nadedelay nito ang menstruation mo.
Sa ibang mga ina na kapapanganak pa lang, hindi bumabalik ang regla nila kapag sila ay regular na nagpapasuso sa sanggol nila. Ang sanggol kasi, dapat ay exclusive breastfeeding hanggang sila ay mag 6 months old. So if ganito ka katagal mag-breastfeed, posibleng hindi ka magkaroon ng regla within 6 months.
Pero kung ikaw ay nag-foformula feeding lang sa iyong sanggol, ang iyong regla ay babalik agad within 6-8 weeks (o mas maaga pa) kung hindi ka nagpapa-breastfeed.
References:
How soon will I get my period back after having my baby?
What to Expect from Your First Period After Pregnancy
0 Mga Komento