Gamot sa Balakubak: Home Remedies Para sa Balakubak

gamot sa balakubak

Halos nasubukan mo na lahat ng anti-dandruff shampoo na tinitinda sa mga grocery store. Pero yung balakubak mo, going strong pa rin. Patuloy ka pa rin sa pagkakamot ng iyong nangangating ulo hanggang sa magsugat na ito.

Kung wala ka na talagang tiwala sa mga commercial anti-dandruff shampoo, pwede mong subukan ang home remedies na ito para masugpo ang iyong balakubak.

Gamot sa Balakubak: Baking Soda at Kalamansi

baking soda kalamansi balakubak

A. Paano napapagaling ng baking soda at kalamansi ang balakubak?

Ang baking soda at kalamansi ay parehas mayroong antiseptic properties. Ang mga ito ay nakakatulong na puksain ang mga fungal infection sa iyong anit. At isa pa, dahil sa mala-powder na characteristics ng baking soda, nababawasan nito ang matinding paglalangis ng iyong anit na siya namang nagdudulot ng balakubak.

B. Paano gamitin ang baking soda at kalamansi bilang gamot sa balakubak?

Tunawin ang 1 kutsara ng baking soda sa 1/4 baso ng tubig. Pigaan ito ng 3 kalamansi. Salain ang mga buto. Imasahe ang mixture sa iyong ulo na may balakubak. Ibabad ito ng 30 minutes bago banlawan.

Gamot sa Balakubak: Olive Oil at Kalamansi

olive oil kalamansi balakubak

A. Paano napapagaling ng olive oil at kalamansi ang balakubak?

Ang olive oil at kalamansi ay parehas na may antiseptic properties. Mabisa rin ang olive oil sa paglilinis at pagtatanggal ng langis ng anit dahil ito ay mayroong polyphenols.

B. Paano gamitin ang olive oil at kalamansi bilang gamot sa balakubak?

Mag-init ng 1/2 tasa ng olive oil. Palamigin at imasahe sa ulong may balakubak. Pagkatapos ay mag-gayat ng 3 kalamansi. Imasahe ang mga ito sa buong anit. Ibabad ng 30 minutes bago banlawan.

Gamot sa Balakubak: Dahon ng Bayabas

dahon ng bayabas balakubak

A. Paano napapagaling ng dahon ng bayabas ang balakubak?

Ang dahon ng bayabas ay kilalang panglanggas ng sugat. Pero ito rin ay pwedeng gawing gamot sa balakubak. Ang pagpahid ng katas ng dahon ng bayabas sa iyong ulong may balakubak ay nakakatulong para tanggalin ang mga natutuyo at natutuklap na balat ng iyong anit hanggang sa mawala ang iyong balakubak.

B. Paano gamitin ang dahon ng bayabas bilang gamot sa balakubak?

Pumitas ng mga sariwang dahon ng bayabas. Dikdikin ito at ipahid sa iyong anit habang pinipiga ang katas. Pwede mo ring ilaga ang dahon ng bayabas at gamitin itong pangbanlaw sa iyong buhok pagkatapos mag-shampoo or conditioner.

Marami pang iba’t ibang home remedies para gamutin ang iyong balakubak. Subukan ang alinman sa mga home remedies na ito at tingnan kung alin ang pinaka-epektibo para sa iyo. Kung wala pa rin, ang pinakamainam na solusyon ay pumunta sa pinakamalapit na dermatologist clinic.

Sources:
http://www.stylecraze.com/articles/get-rid-of-dandruff-using-baking-powder/#gref
https://www.svenson.com.ph/5-home-remedies-itchy-scalp/
https://www.rewardme.in/beauty/hair/article/olive-oil-what-dandruff-fears-most
https://www.rewardme.in/beauty/hair/article/10-reasons-to-feed-your-hair-guava-leaves

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento