Kung ikaw ay may pigsa at wala ka agad pambili ng gamot para rito, pwede kang gumamit ng sibuyas para ang pigsa mo ay gumaling.
Ang sibuyas kasi ay may “healing compounds” para puksain ang mga pigsa. Pero pinakakilala ang sibuyas sa kanyang antibiotic at anti-inflammatory properties para labanan ang impeksiyon na dulot ng pigsa.
Para gumaling ang iyong pigsa, may iba’t ibang paraan ng paggamit ng sibuyas.
Gayat na Sibuyas
1. Balatan ang sibuyas at gayatin ito nang manipis.
2. Itapal ang isang gayat ng sibuyas sa iyong pigsa gabi-gabi.
3. Lagyan ito ng gasa at medical tape para hindi malaglag.
4. Maglagay ng bagong gayat ng sibuyas gabi-gabi hanggang ang pigsa mo ay gumaling.
Dinikdik na Sibuyas
1. Balatan ang sibuyas at dikdikin ito hanggang sa kumatas.
2. Itapal ito sa iyong pigsa gabi-gabi.
3. Lagyan ito ng gasa at medical tape para hindi malaglag.
4. Gawin ito gabi-gabi hanggang gumaling ang iyong pigsa.
Katas ng Sibuyas
1. Balatan ang sibuyas at dikdikin ito hanggang sa kumatas.
2. Ilgay ang dinikdik na sibuyas sa malinis na basahan at pigain ito hanggang sa makuha mo ang katas.
3. Ipahid ang katas sa iyong pigsa hanggang ito ay gumaling.
4. Gawin ito gabi-gabi.
Sources:
https://www.homeremediesforall.com/food-remedies/onions-for-boils.html
https://www.hellodoctor.co.za/the-best-home-remedies-to-cure-boils/
https://www.boldsky.com/health/disorders-cure/2017/how-to-use-onions-to-treat-boils/articlecontent-pf178878-118467.html
0 Mga Komento