Hi mommies and daddies!
Share ko lang yung experience ko sa No Rash diaper cream. Bale nireseta kasi eto ng pedia ng baby namin as maintenance. So effective nga ba ito para sa rashes? Here is my unbiased review sa No Rash diaper cream.
Price
Hindi ko na tanda kung magkano bili namin sa No Rash diaper cream. Sa pedia kasi namin binili. Pero sabi ng asawa ko, parang 30 or 50 pesos lang daw. Pero sa Shopee, nasa 90 pesos siya. Sa Lazada naman, nasa 150 pesos siya. Super mura pa rin kumpara sa mga mas kilalang brands.
Kaso nakakaduda. Kasi ang mura. Pag mura di ba, kadalasan walang kwenta. So tingnan natin.
Packaging
Yung kahon niya, maganda naman ang layout/design. So bakit pati design pinapakialaman ko? Kasi dun pa lang, malalaman mo kung may binatbat nga ba yung product. First impressions kumbaga. Madali na kasi ngayon gumawa ng sarili mong brand ng diaper cream, basta organic at FDA-approved, okay na.
Pero when I saw the actual container of the diaper cream, medyo napangiwi ako. Parang napaisip ako kung effective ba talaga ito para sa diaper rash. Kasi yung container niya, parang tinapalan lang ng sticker, masabi lang na diaper cream siya. Unlike other brands na napaka-professional ng itsura.
Cream – Grams, Appearance, Feel, and Scent
Nasa 25 grams yung dami ng cream at kulay white siya. Maliit lang yung container ng cream, pero hindi naman siya madaling maubos. Maganda naman yung consistency ng cream. Hindi siya malagkit. Hindi rin malabnaw. Kapag pinapahid mo yung cream sa affected area, wala namang naiiwan na oily feeling sa mga daliri mo. Mabango din yung cream. Amoy pulbo siya.
Uses and Effectivity
Base dun sa nakalagay na uses ng No Rash, ginagamit ito para sa mga sumusunod:
– helps prevent diaper rash
– helps repel wetness
Sa pag-prevent ng diaper rash, hindi ko masabi kung effective. Kasi never nagkarashes sa pwet si baby. Basta niresetahan lang kami ng pedia ng No Rash diaper cream as maintenance (at para na rin makabenta siguro yung pedia namin. Haha!)
So imbis na sa pwet ipahid, ipinahid ko sa leeg ni baby yung cream. Hindi naman siguro malalaman ng cream kung pwet nga ba yung pinagpahiran ko o hindi. Nagkakarashes kasi sa leeg si baby kasi may pagka-chubby siya. Pinapahiran namin ng No Rash yung leeg niya after maligo. Siguro after an hour or two, nawawala yung pagkapula sa leeg niya. Pero babalik ulit kasi pawisin yung baby namin.
Bukod sa leeg, pinapahid din namin yung No Rash kapagka nakagat ng lamok si baby. Kinabukasan, nahuhupa na yung pantal niya.
No Rash Diaper Cream Review: Summary
1. Price – Super mura. Ang price range ay 90 pesos (Shopee) / 150 pesos (Lazada).
2. Packaging – Hindi kagandahan.
3. Cream (Grams, Appearance, Feel, and Scent) – 25 grams. Maliit lang pero hindi madaling maubos. Kulay white. Hindi malagkit. Hindi malangis. Powder fresh scent.
4. Uses and Effectivity:
– pwede sa diaper rash
– pwede sa rashes sa leeg
– pwede sa pantal dahil sa mosquito bites
Overall: Mura at effective gamitin para sa iba’t ibang rashes ni baby.
0 Mga Komento