Magandang Subukan ang Mga Ito Para Gamutin ang Iyong Uric Acid

gamot sa uric acid

Manakit-nakit na ba ang iyong mga kasukasuan dahil sa mataas na uric acid level? Kung wala ka pang sapat na budget para pampa-checkup sa doktor at pambili ng gamot, pwede mo namang subukan ang mga natural na lunas na makikita lang sa iyong paligid at kusina.

Kung gusto mong maibsan ang sakit na dulot ng mataas na uric acid, subukan ang mga halamang gamot na ito:

Gamot sa Uric Acid: Luya

luya gamot sa uric acid
Ang luya ay mabisang gamot para sa uric acid. Ayon sa isang pag-aaral, kapag pinangtapal mo ang luya sa iyong nananakit na kasu-kasuan ay mababawasan ang iyong pananakit. 
Para gamitin ang luya bilang panggamot sa uric acid, magyadyad ng luya at ito ay pakuluan. Itapal ang niyadyad na luya sa apektadong parte ng iyong katawan at itapal ng hanggang 15-20 minutes. Ang pinagkuluang tubig naman ay pwede mong lubluban ng bimpo, pigaan, at siya mong itapal naman sa iyong mga kasu-kasuan. Pwede ka ring gumawa ng salabat at inumin ito 3 beses sa loob ng isang araw.

Gamot sa Uric Acid: Saging

saging gamot sa uric acid

Ang saging ay pwede ring makatulong para maibsan ang mga sintomas na dulot ng iyong mataas na uric acid level. Mayaman kasi ang saging sa potassium at nakakatulong para gumana nang maayos ang mga organs ng iyong katawan. Kumain lang ng isang saging araw-araw para hindi sumakit ang iyong kasukasuan.

Gamot sa Uric Acid: Mansanas

mansanas gamot sa uric acid

Isa pang mainam na gamot para sa uric acid ay ang mansanas. Meron kasi itong tinatawag na malic acid na nakakatulong para bumaba ang iyong uric acid level. Kumain lang ng isang mansanas araw-araw pero huwag hihigit sa isa. May konting tamis din kasi ang mansanas na pwedeng mag-trigger ng mataas na uric acid.

Gamot sa Uric Acid: Tubig

tubig gamot sa uric acid

Para maiihi mo ang mga toxins ng iyong katawan, uminom ng maraming tubig. Ugaliing uminom ng 8-9 baso ng tubig araw-araw o higit pa. Ang tubig kasi ay nakakapag-neutralize ng kung ano mang sobrang kemikal sa katawan.

Gamot sa Uric Acid: Mga Prutas na May Vitamin C

vitamin c gamot sa uric acid

Bagamat ang mga prutas na may vitamin C ay maaasim, nakakatulong ang mga ito para magkaroon ka ng normal na uric acid level. Ang vitamin C kasi ay nakakatulong para mailabas mo sa iyong katawan ang iyong mataas na uric acid. Pwede kang kumain ng bayabas, lemon, orange, o kaya naman ay kamatis.

Marami pang iba’t ibang natural na lunas para sa uric acid. Pero ang mga nabanggit sa taas ay isa sa mga pinakamadadali mong makikita sa iyong kusina o mabibili sa palengke. At para tuluy-tuloy ang pagbalik sa normal na level ng iyong uric acid, umiwas sa mga bawal gaya ng pagkain ng mga mapupulang karne at isda, matatamis, pag-inom ng alak, paninigarilyo, at labis na pagpapagod.

Sources:
Natural Home Remedies for Gout
Uric acid diet: These foods will help you keep uric acid at normal levels
Natural Ways to Reduce Uric Acid in the Body

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento