Mainam na Gamot sa Dry Cough

gamot sa dry cough

Para sakin, ang pinaka-ayaw kong klase ng ubo ay yung dry cough. Ang kati-kati kasi sa lalamunan. Tapos mas masakit siya kumpara sa ma-plemang ubo.

Parang mas okay pa nga ang ubong may plema. Pag naidadahak mo yung plema mo, pakiramdam mo ay gumagaling ka kasi nauubos yung plema eh.

Pero mapa-dry cough or ma-plemang ubo, ito ay hindi healthy sating katawan. So share ko lang dito yung mga home remedies for dry cough.

Mag-ngata ng hilaw na luya

luya gamot sa dry cough

Ang luya ay maiging gamot sa dry cough, kasi nababawasan nito ang pamamaga ng iyong lalamunan dulot ng tuluy-tuloy na pag-ubo.

Para gamitin ang luya na gamot sa dry cough, kumuha ng isang buong luya, balatan ito, budburan ng konting asin, at siya mong ngatain at kainin.

Kung hindi mo naman kayang kumain ng hilaw na luya, pwede ka namang gumawa ng salabat mula sa luya. Maglaga lang ng luya at inumin ang tsaa. Uminom ng salabat 3 beses sa isang araw.

Uminom ng katas ng sibuyas

sibuyas gamot sa dry cough

Isa pang mabisang gamot para sa dry cough ay ang sibuyas. Magbalat at tadtarin ang hilaw na sibuyas. Pigain ito para kumatas. Yung katas ang siya mong iinumin para gumaling ang iyong dry cough. Kung hindi mo kaya ang purong katas ng sibuyas, lahukan ito ng honey. Isang kutsarita lang ang pag-inom ng katas ha!

Bukod sa pagpapakatas ng hilaw na sibuyas, pwede mo ring gawing juice yung sibuyas. Magpakulo ng tubig, lahukan ng tinadtad na sibuyas at pigaan ng lemon juice para hindi gaanong matapang.

Uminom ng maraming tubig

tubig gamot sa dry cough

Para matanggal ang panunuyo at pangangati ng lalamunan, uminom ng maraming tubig. Kung nakaka-8 baso ka isang araw, gawin mo itong 10-12 basong tubig. Mahalaga kasing panatilihing basa ang lalamunan para hindi ito lalong mairita.

Humigop ng maraming sabaw.

sabaw gamot sa dry cough

Bukod sa tubig, humigop ka ng maraming sabaw. Ang mainit na sabaw ay nakakatulong para guminhawa ang iyong lalamunan pati na rin sikmura. Pwede kang humigop ng sabaw ng sinigang, nilaga, tinola, at sopas.

Marami pang iba’t ibang natural na lunas para gumaling ang iyong dry cough. Pero ang mga nabanggit sa taas ang pinakamadaling gawin. Para sa karagdagang gamot sa dry cough, basahin ang mga sumusunod:

https://www.onlymyhealth.com/home-remedies-dry-cough-1352374264
https://allayurveda.com/blog/instant-relief-with-simple-remedies-for-dry-cough/
https://www.holistichealthherbalist.com/home-remedies-for-cough/
https://www.healthline.com/health/dry-cough#treatment

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento