Kung umiinit ang iyong sikmura pataas at may nalalasahan kang mapait-pait at maasim-asim, malamang may heartburn ka. Bukod sa mga sintomas na ito, posibleng may heartburn ka kapag ikaw ay naduduwal, naninikip ang dibdib, at nahihirapan kang makahinga.
Kadalasan, ang heartburn ay dulot ng stress, obesity, paninigarilyo, at labis na pag-inom ng alak at kape. Kaya naman, para maibsan ang mga sintomas ng heartburn, pwede mong subukan ang mga sumusunod na home remedies para sa heartburn o hyperacidity.
Gamot sa Heartburn
1. Paluwagin ang mga suot na damit.
Minsan, kaya tumataas ang stomach acid sa iyong esophagus kasi naiipit ito ng masisikip mong damit. Para bumaba ang iyong stomach acid, tanggalin ang iyong bra, huwag ikabit ang butones ng damit o pantalon, at tanggalin ang iyon sinturon. Saka na lamang ibalik pag okay na ang iyong pakiramdam. Pero dapat medyo maluwag-luwag na ang iyong pagkakasuot sa iyong mga damit.
2. Umupo o tumayo nang tuwid.
Para bumalik ang stomach acid sa dapat nitong kalagyan, umupo o tumayo nang tuwid. Pag naka-upright position ka, sa tulong ng gravity, bababa ang stomach acid mo.
3. Maglahok ng luya sa iyong mga nilulutong pagkain.
Para magamot ang iyong heartburn, maglahok ng luya sa iyong mga nilulutong pagkain. Bukod sa pampabango ng lutuin, nakakatulong ang luya para hindi ka maduwal. Mas okay kung gagawa ka ng sabaw na may luya para mainitan din ang iyong sikmura. Pero huwag ka gagawa ng purong ginger soup o ginger tea, masyadong matatapang na ang lasa ng mga ito.
4. Mag-ngata ng bubble gum.
Ang pag-ngata ng bubble gum ay nakakatulong para mag-produce ka ng maraming laway, na siya namang nag-eencourage ng paglunok. Kasabay ng paglunok mo sa iyong laway ay ang pagbaba ng iyong stomach acid.
5. Uminom ng pinaghalong baking soda at tubig.
Dahil ang baking soda ay “base” at hindi “acid,” mabisa itong paraan para gamutin ang iyong hyperacidity. Para gamitin ito, ihalo ang kalahating kutsarita ng baking soda sa sa 1/4 tasa ng tubig. Kung after 5-7 minutes ay nag-iinit pa rin ang iyong sikmura, uminom ulit.
6. Uminom ng antacids.
Kung hindi gumana ang mga nabanggit na home remedies sa itaas, uminom ka ng gamot na antacids para sa heartburn. Ang mga kilalang antacids ay Maalox, Mylanta, Gelusil, ranitidine at famotidine. Ilan sa mga gamot na ito ay hindi na kailangan ng reseta ng doktor.
Sources:
Tips para makaiwas sa heartburn at GERD
HYPERACIDITY: Labis na Dami ng Asido sa Tiyan
4 Quick and Natural Home Heartburn Remedies
How to Get Rid of Heartburn
0 Mga Komento