Mga Halamang Gamot sa Allergy sa Balat

halamang gamot sa allergy sa balat

Ang allergy sa balat ay maraming nagiging sanhi. Pwede kang magka-skin allergy dahil sa pagkain, alikabok, pagdikit sa mga makakating halaman, at iba pa.

Ang kadalasang sintomas ng anumang klase ng allergy sa balat ay pangangati, pamumula at pagpapantal. Para maibsan ang mga ito, maaaring subukan ang mga halamang gamot na ito.

Aloe Vera

aloe vera gamot sa allergy sa balat
Aloe Vera, Halamang Gamot sa Allergy sa Balat

Ang aloe vera ay isa sa mga halamang gamot na nakakapagpagaling ng allergy sa balat. Ito ay may taglay na anti-inflammatory properties na nakakapagpahuba ng pangangati at pamumula ng balat. Bukod dito, ito ay mayroong antibacterial at anti-fungal properties. Kunin lamang ang gel ng aloe vera at ikuskos ito sa apektadong balat para magbigay ginhawa sa iyong pakiramdam.

Neem Leaves

neem gamot sa allergy sa balat
Neem Leaves, Halamang Gamot sa Allergy sa Balat

Madalas ginagamit ang dahon ng neem tree bilang pantaboy ng mga lamok. Pero pwede rin itong halamang gamot sa allergy sa balat dahil sa taglay nitong anti-inflammatory at anti-irritant properties. Pakuluan lang ang dahon ng neem tree, pagkatapos ay salain ito at kunin lamang ang pinagpakuluan. Pwede kang gumamit ng cotton balls para ipahid ito sa apektadong balat, o pwede mo rin itong gawing pampaligo.

Lemon 

lemon gamot sa allergy sa balat
Lemon, Halamang Gamot sa Allergy sa Balat

Ang lemon juice ay epektibo ring gamot para sa allergy sa balat. Ipahid ang lemon juice sa kumakating balat at hayaan itong matuyo. Pagkatapos ay hugasan ito ng tubig. Bukod sa nakakapagbigay ginhawa ito sa iyong makating balat, pwede ka pang pumuti dahil ito ay may vitamin C at bleaching properties.

Anu-ano pang mga halamanga gamot sa allergy sa balat ang alam ninyo? I-share sa comment box!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento