Halamang Gamot sa Eczema

Ang eczema ay sakit sa balat na nagdudulot ng pamumula at pangangati ng balat. Madalas dapuan nito ang mga bata pero nagkakaroon din nito ang mga matatanda.

Madali lang naman gamutin ang eczema kasi nagkalat na sa mga botika ang mga eczema cream. Pero kung ayaw mong gumastos, pwede namang gamitin ang mga halamang gamot na ito para gamutin ang iyong eczema.

Guyabano Leaves

guyabano halamang gamot sa eczema

Kung may tanim kang puno ng guyabano, pwede mong gamitin ang mga dahon nito upang pagalingin ang iyong eczema. Kumuha ng murang dahon ng guyabano at dikdikin. Ipahid ang katas o dagta nito sa apektadong balat upang gumaling.

Guava Leaves

bayabas halamang gamot sa eczema

Gaya ng dahon ng guyabano, ang dahon ng bayabas ay pwede ring panggamot ng eczema. Pwede kang magpakulo ng dahon ng bayabas at gamitin itong pampaligo o panglanggas. Ang prutas ng bayabas ay pwede mo namang kainin para madagdagan ng bitamina ang iyong katawan upang kuminis ang iyong kutis.

Madre de Cacao Leaves

madre de cacao halamang gamot sa eczema

Ang madre de cacao ay may mabahong amoy pero ito ay epektibong halamang gamot para sa eczema. Ang mga dahon nito ay may taglay na antifungal properties na mabisang gamot sa kahit anong skin diseases gaya ng eczema. Kahit nga sa mga alaga nating hayop na may galis-galis ay epektibo ang madre de cacao.

Acacia (Tree Bark)

acacia halamang gamot sa eczema

Kung may puno naman kayo ng acacia, pwede kang kumuha ng tree bark nito para ipanggamot sa iyong eczema. Gayatin o dikdikin ang tree bark nito upang maging maliliit na piraso. Pagkatapos ay pakuluan ito at gamiting panglanggas sa iyong eczema.

Aloe Vera

aloe vera halamang gamot sa eczema

Ang taong may eczema ay madalas nagkakaroon ng dry skin na pwedeng magsugat. Pero gamit ang gel na mula sa aloe vera, tinutulungan nito na i-moisturize ang iyong balat. Bukod sa natural moisturizer ito, ang aloe vera ay may taglay na antibacterial properties at may kakayahang pagalingin ang anumang sugat sa balat para hindi ka magka-impeksiyon sa balat.

Moringa o Malunggay

malunggay halamang gamot sa eczema

Ang langis na gawa sa moringa o malunggay ay nakakatulong para pagalingin ang iyong eczema. Meron kasi itong anti-inflammatory at antibacterial properties na tumutulong para hindi lumala ang pagsusugat ng iyong balat.

Marami pang ibang halamang gamot sa eczema na talaga namang nakakatulong para bawasan ang pamumula at pangangati ng iyong balat.

Kayo, may alam pa ba kayong mga halamang gamot para sa eczema?

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento