Nahihimatay ang isang tao kapag nagkulang ang dugong dumadaloy sa kanyang utak. Kung ikaw ay may nakitang taong nahimatay, ito ang mga maaari mong gawin para makatulong.
- Bigyan ng sapat na bentilasyon. Dalhin ang nahimatay sa lugar na may sapat na bentilasyon. Alisin ang pasyente sa siksikang lugar o sa palibot ng mga taong nakikiusyoso. Kung wala talagang lugar na mas maginhawa, paypayan ang nahimatay para magkaroon ng kaunting hangin.
- Ihiga ang nahimatay. Kung pwedeng makahiga ang nahimatay, pahigain ito nang nakataas ang mga paa para makadaloy ang sapat na dugo papuntang utak.
- Paupuin. Kung hindi naman makakahiga, paupuin ang nahimatay nang nakatungo. Idikit ang ulo sa pag-itan ng mga hita habang nakaupo.
- Alisin ang masisikip na pananamit. Para madaling makahinga ang nahimatay, alisin ang pagkakabutones ng bra, blusa o polo, pantalon at sinturon. Habang ginagawa ito, panatilihin pa rin ang privacy ng nahimatay.
- Huwag pipiliting painumin ng tubig. Ang taong nahimatay ay walang malay. Kung bibigyan mo ang pasyente ng tubig, maaari siyang mabulunan; mas delikado. Kaya hindi totoo ang mga napapanuod sa TV at sabi-sabi ng matatanda na dapat painumin agad ng tubig ang nahimatay.
0 Mga Komento