Home Remedies Para sa Sakit ng Ulo

gamot sa sakit ng ulo

Gamot sa sakit ng ulo

Maraming sanhi ang pananakit ng ulo. Depende sa sanhi, iba’t ibang paraan ang paggamot dito. Pero para sa mga taong madalas nakakaranas ng “normal” na pananakit ng ulo, maaaring gawin ang mga sumusunod na home remedies:

Hilutin ang ulo gamit ang Vicks VapoRub. 

Kadalasan, ang Vicks VapoRub ointment ay ginagamit para guminhawa ang pakiramdam ng taong inuubo. Pero pwede rin ang Vicks na gamot sa sakit ng ulo. Pahiran lamang ng Vicks ang mga sentido at noo at simulan ang pagmamasahe sa mga ito.

Hilutin ang ulo gamit ang Efficascent Oil. 

Ang Efficascent Oil ay hindi lamang para sa mga masakit na kasu-kasuan. Pwede rin itong gamitin para sa sakit ng ulo sapagkat ito ay mayroong methyl salicylate camphor + menthol na nakakapagpaginhawa ng pakiramdam.

Matulog. 

Minsan, ang pananakit ng ulo ay sanhi ng matinding pagod sa trabaho o anumang stress na nararamdaman. Kaya para mawala ito, magpahinga o matulog. Kung hindi agad makatulog, basta na lamang ipikit ang iyong mga mata, at makakatulog ka rin. Huwag manood ng TV o mag-cellphone. Hanggat maari, matulog nang walang anumang source ng ilaw.

Uminom ng pineapple juice. 

Ang pineapple ay may enzyme na tinatawag na bromelain. At ito ay may kakayahang magpawala ng sakit ng ulo dahil sa taglay nitong pain relief properties. Eto yung paborito kong home remedy, ang uminom ng pineapple juice sa tuwing nananakit ang ulo ko sa daming ginagawa at iniisip sa trabaho.

Maligo ng maligamgam na tubig. 

Ang paliligo gamit ang maligamgam na tubig ay nakakatulong para ma-relax ang mga muscles ng katawan. Pagkatapos maligo, tuyuing mabuti ang buhok. Dahil kung hindi at humiga ka ng basa pa ang buhok mo, lalong sasakit ang iyong ulo.

Paglalagay ng maligamgam na basang tuwalya sa noo. 

Kung ayaw mo namang maligo, maaaring lagyan na lamang ng maligamgam na basang tuwalya ang iyong noo, sentido, parteng mata at batok. Ang mainit na temperatura ay nakakatulong para mas maayos na dumaloy ang dugo sa mga ugat ng ulo.

Paglalagay ng malamig na basang tuwalya sa noo. 

Sa iba naman, mas nagiginhawaan sila kung malamig na tuwalya ang nakalagay. May pampamanhid kasing epekto ang malamig na nakakatanggal din ng pananakit ng ulo.

Uminom ng salabat. 

Ang salabat ay tsaa na gawa sa luya. Magpakulo lamang ng luya sa mainit na tubig at inumin ito. Ayon sa Kalusugan.ph, ang init na nanggagaling sa salabat ay nakakatulong para mawala ang mga implamasyon sa katawan at ulo na maaaring nagdudulot ng pananakit.

Kung sobra na ang sakit na nararamdaman, magpakonsulta na sa doktor kung hindi na makaya ng home remedies.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento