Ano ang Gamot sa Ubo at Sipon?

gamot sa ubo at sipon

Marami sa’tin ang madalas na nagkakaubo at sipon na maaaring dulot ng pabago-bagong klima ng Pilipinas. Kaya kung ikaw ay mayroong ubo at sinisipon, narito ang mga ilang bagay na maaari mong gawin para mabigyan ito ng lunas.

Home remedies at gamot sa ubo at sipon

  • Uminom ng herbal remedy na pinaghalong luya, kalamansi at honey. Ayon kay Dr. Jaime Galvez-Tan ng Pinoy MD, mabisa itong herbal remedy. Para i-prepare ang herbal remedy na ito, ilaga ang luya na kasinglaki ng hinlalaki sa 2 tasang tubig. At kapag kumulo na, ilipat ang pinaglagaan sa baso. Patakan ng 1 kalamansi at 1 kutsaritang honey. (May honey na nabibili sa mga grocery store, hindi ko lang alam kung magkano.) Ang luya daw ay nakakapagpaginhawa ng lalamunan. Samantalang ang kalamansi ay nakakatulong tumunaw ng plema. At ang honey naman ay nagpapagaling sa lalamunan na may gasgas o sugat-sugat kakaubo.
  • Uminom ng dinikdik na bawang na may honey. Tip din ito ni Dr. Galvez-Tan. Sabi niya, ang bawang ay may antibiotic properties. Kadalasan kasi, ang sanhi ng ubo at sipon ay bacteria kung hindi virus. Para i-prepare ang home remedy na ito, kumuha ng 1 pirasong / clove ng bawang. Dikdikin. Ilagay sa kutsara at haluan ng honey.
  • Uminom ng halamang gamot na oregano o lagundi. Para i-prepare ito, basahin yung nauna kong naisulat na article. Click lang this: oregano para sa ubo. Para i-prepare ang lagundi, eto naman: lagundi para sa ubo.
  • Uminom ng mainit na tubig, juice o sabaw. Ang paginom ng mainit na inumin ay nakakatulong para guminhawa ang pakiramdam. Nababawasan ang pagkairita ng lalamunan at lumuluwag ang sipon dahil sa init, para madaling mailabas.
  • Uminom ng maraming tubig. Kung 8 baso iniinom mo araw-araw, damihan mo pa ang paginom ng tubig lalo na kung ikaw ay may ubo at sipon. Pwedeng gawing 10-12 glasses. Nakakatulong ito para paluwagin ang sipon na nakabara sa ilong at ang plemang nasa lalamunan (kung may plema man).
  • Kumain ng prutas na mayaman sa vitamin C o yung prutas na maaasim. Para lumakas ang immune system at gumaling agad.
  • Magpahid ng Vicks sa ilong, leeg at dibdib. Para guminhawa ang iyong pakiramdam. Kapag nagpapahid kami ng Vicks sa leeg, ang madalas na ginagawa ng nanay ko, tinatalian o pinupuluputan niya ng Good Morning towel yung leeg namin na may Vicks para daw di agad mawala at para di malamigan o mahanginan yung leeg.
  • Isinga ang sipon at idura ang plema. Huwag lunukin. Bukod sa nakakadiri, lalo mo lang pinapatagal ang pag-istambay ng bacteria sa loob ng iyong katawan. Pero kung sisinga, yung sakto lang, wag malakas, nakakabingi yun.
  • Mag-steam inhalation. Yung nagkukulubong ng kumot tapos sa loob mayroong planggana ng mainit na tubig. Sa bahay naman namin, ang ginagawa ng nanay ko, tinutunawan niya ng Vicks, tapos yun yung lalanghapin para lumuwag yung sipon. Panoorin ang video ni Dr. Liza Ong: steam inhalation para sa may ubo at sipon.
  • Uminom ng gamot para sa ubong may plema. Ayon kay Dr. Willie Ong, pwedeng uminom ng carbocisteine, ambroxol o yung mga lagundi medicines.
  • Uminom ng gamot para sa dry cough. Kung dry cough naman ang dinadaing mo, pwedeng uminom ng Sinecod ayon ulit kay Dr. Ong.

References: (Basahin niyo din ito para sa iba pang gamot para sa ubo at sipon. Pero nilagay ko na diyan sa taas yung pinakamadadali at common. Ubo yung mga title pero kung babasahin niyo, meron ding tungkol sa sipon.)

Pinoy MD Question of the Week: Ano ang mabisang gamot sa ubo?
Ano ang gamot sa ubo?
Ubo nang ubo: 17 solusyon
LUNAS Sa Sipon at Ubo – Payo ni Doc Liza Ramoso-Ong #26 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento