3 Halamang Gamot sa Tigyawat o Pimples

halamang gamot sa tigyawat o pimples

Ilang facial cleanser na ang nasubukan mo para mawala lang ang mga tigyawat o pimple mo? Marami ka na rin bang nalustay na pera makabili lamang ng mga mamamahaling anti-pimple cream sa mukha na hindi naman umeepekto?

Kung butas na ang iyong bulsa sa kabibili ng mga commercial products para magamot ang iyong tigyawat, pwede ka namang sumubok sa mas mura atnatural na paraan. Ang mga sumusunod na halamang gamot ay maaaring malunasan ang matagal mo ng problema:

Aloe vera, halamang gamot sa tigyawat

Ang gel na mula sa aloe vera ay mayroong antibacterial at anti-inflammatory properties. Ibig sabihin nito, nakatutulong ito upang mapuksa ang mga bacteria o mikrobyo na nakapagpapalala ng pimples o tigyawat. Bukod dito, nababawasan din nito ang pamamaga ng mukha dahil sa mga sugat-sugat na dulot ng tigyawat. At dahil matubig ang aloe vera, maganda rin itong moisturizer ng mukha.
Upang gamitin ang aloe vera bilang gamot sa tigyawat, kudkurin lamang ang gel nito at durugin. Itapal ito sa mukha at hayaang nakababad ng 2-3 minuto. Hugasan pagkatapos.

Bawang, halamang gamot sa tigyawat

Gaya ng aloe vera, ang bawang ay may antibacterial at anti-inflammatory properties. Pero hindi rekomendado ito na ikuskos sa mukha para maalis ang tigyawat, mahapdi kasi ito.
Upang gamitin ang bawang bilang gamot sa tigyawat, kumain lamang ng mga hilaw na butil nito 3x a day, after meals. Kung hindi makaya ang pagkain ng hilaw na bawang, pwede namang gumawa ng mainit na tsaa mula rito.

Malunggay, halamang gamot sa tigyawat

May kakayanan din ang malunggay na makapagpabawas ng mga tigyawat o pimples dahil mayroon din itong antibacterial properties. Upang gamitin ito, kumuha lamang ng mga dahon ng malunggay at gawin itong parang paste. Ipahid ito sa mukha at ibabad ng 2-3 minuto. Hugasan pagkatapos.

Bukod sa pagpapahid ng malunggay paste sa mukha, pwede mo rin kainin ang mga buto ng bunga ng malunggay. Nakatutulong kasi ito sa pagdetoxify o paglilinis ng dugo. Kapag kasi marumi ang dugo, madalas din magkatigyawat.

Tandaan, hindi porket halamang gamot at natural ay safe na sa balat. Kung hindi ka hiyang sa mga nabanggit na halamang gamot sa tigyawat, itigil ang paggamit nito.

Sources:

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento