Kapag may anemia ka, ibig sabihin ay mababa ang bilang ng iyong red blood cells. Ang normal na red blood cell count ay 4.7 to 6.1 mcL para sa mga lalake, samantalang 4.2 to 5.4 mcL naman para sa mga babae. Kapag bumaba sa range na ito, posibleng makaranas ng mga sintomas ng anemia gaya ng pananakit ng ulo, pagkahilo, pamumutla, panlalamig ng mga kamay at paa, pagkapagod, at iba pa.
Upang hindi gaanong makaranas ng mga sintomas ng anemia, mas okay na kumain ng mga sumusunod na pagkain:
- Talbos ng kamote (mas okay yung pula ang dahon)
- Kangkong
- Sardinas (kahit delata)
- Karne ng baka
- Atay, puso, o dila ng mga manok, baboy, at baka
- Tuna (kahit delata)
- Salmon (kahit delata)
- Iron-fortified cereal (Kellogss, Koko Krunch)
- Iron-fortified milk (Bear Brand)
- Lahat ng beans
- Mani
- Buto ng sunflower o kalabasa
- Kasoy
- Talaba
- Tahong
- Itlog
- Hipon
- Tokwa
- Peanut butter
- Brown rice
Ang mga nabanggit na pagkain ay mainam para sa mga taong may anemia sapagkat mayaman ang mga ito sa iron. Upang mas madali itong ma-absorb ng katawan, iminumungkahi ng mga doktor na kainin ang mga ito ng may pagkaing mayaman sa vitamin C gaya ng orange, kamatis, at iba pa.
Sources:
https://www.healthline.com/health/rbc-count
https://www.healthline.com/health/best-diet-plan-for-anemia
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14621-iron-rich-foods-and-anemia/management-and-treatment
0 Mga Komento