Ang ampalaya ay kilala bilang isang mabisang halamang gamot para sa diabetes. Bukod dito, ligtas itong gamitin na halamang gamot sapagkat ang ampalaya ay aprubado ng DOH.
Pero alam niyo ba, bukod sa diabetes, marami pa itong mga sakit na kaya nitong gamutin? Kabilang na rito ang mga sumusunod:
Iwas kanser
Ayon sa mga pag-aaral, ang concentrated o purong katas ng ampalaya ay epektibo sa pagpatay ng mga cancer cell sa suso, baga, tiyan, colon, pancreas (lapay), at ilong. Meron kasi itong mga cancer-fighting compound na pumupuksa sa kanser.
Pampababa ng kolesterol
Pwede ring pampababa ng cholesterol level ang ampalaya. Batay sa pag-aaral ng epekto ng katas ng ampalaya sa mga hayop gaya ng daga, napababa nito ang kanilang mga kolesterol.
Pantanggal ng sobrang taba
Nakapapayat din ang ampalaya. Kapag kumain nito, ang atay ay maglalabas ng mga bile acid na tumutulong upang matunaw ang taba sa katawan.
Pampakinis ng kutis
Kahit ang ampalaya ay kulu-kulubot, ito ay mainam na pampakinis ng kutis. Kaya nitong gamutin ang mga sakit sa balat gaya ng acne, tigyawat, at impeksiyon sa balat.
Pantanggal ng kidney stones
Pwede ring matanggal ng ampalaya ang mga kidney stone sa katawan. Dinudurog nito ang mga bato sa kidney kaya naman mas madali na ang mga ito na mailabas. Bukod dito, pinapababa rin nito ang acid sa katawan na nag-cocontribute sa pagkakaroon ng kidney stones.
Pampaganda ng kondisyon ng sikmura
Ang pag-inom ng katas ng ampalaya araw-araw ay pwedeng mapaganda ang kondisyon ng sikmura. Dahil dito, makadudumi ka na nang maayos at magiging masigla pa ang iyong atay.
Upang gamitin ang ampalaya sa pagpapagaling ng anumang sakit, pwedeng isahog ang mga bunga at dahon nito sa mga kinakain. Pwede ring uminom araw-araw ng ampalaya juice o ampalaya smoothie. Para makagawa ng ampalaya juice, pakuluan lamang ang mga bunga o dahon nito, samantalang gumamit naman ng blender upang makagawa ng ampalaya smoothie.
Sources:
https://www.healthline.com/nutrition/bitter-melon#section8
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3471438/
https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-795/bitter-melon
https://www.indiatoday.in/lifestyle/wellness/story/benefits-karela-bitter-gourd-vegetable-fruit-weight-loss-purifying-blood-eating-17231-2016-06-30
https://www.lifehack.org/articles/lifehack/10-benefits-bitter-melon-that-makes-even-more-worth-eating.html
0 Mga Komento