Kadalasan, nagkakaroon ng allergic reaction ang isang tao kapag nakakain siya ng mga bawal sa kanya, gaya na lamang ng itlog, manok, hipon, alimasag, at iba pa. Kapag nagkaroon ng allergic reaction ang isang tao, maaari siyang magkabutol o magkapantal, mamula ang mukha o balat, bumahing nang bumahing, manakit ang ulo o leeg, mangapal ang tenga, mangati o magkasugat-sugat ang balat, o kaya naman ay makaranas ng hirap sa paghinga.
Upang mawala ang mga sintomas ng allergic reaction, maaaring gawin ang mga sumusunod na first aid para sa allergy:
Bigyan ng mga over-the-counter (OTC) medication
Upang humupa ang allergic reaction, ang first aid na kailangang gawin dito ay ang pagbibigay ng mga over-the-counter medication o OTC meds. Ito yung mga gamot na hindi na kailangan pa ng reseta ng doktor.
- Kung may mga pantal ang pasyente, maaari siyang bigyan ng antihistamine gaya ng dipenhydramine at cetirizine. Pwede ring pahiran ang kanyang balat ng hydrocortisone cream. Dagdag dito, maaari ring dampian ang nangangating balat ng cold compress o tuwalyang binasa ng malamig na tubig.
- Kung nagkaroon ng baradong ilong, pweden ring bumili ng mga nasal spray o decongestant.
- Kung naging maluha-luha ang mga mata, pwede ring patakan ng ang mga ito ng allergy eye drops.
Kung hindi sigurado sa mga gamot na bibilhin, mas okay na magpa-checkup muna sa doktor kaysa sa masayang ang perang pambili.
Bigyan ng asukal
Kung wala agad mabilhan ng mga OTC meds, pwede rin namang bigyan ng asukal ang pasyente bilang first aid sa allergy. Natatandaan ko noon na ito ang kauna-unahang ginagawa ng mga lola at nanay ko kapag nagkaroon ng allergy dahil nakakain ng bawal. Pinapasubo lamang ng 1 kutsaritang asukal upang mawala ang mga pantal at pangangati. At mukhang effective naman.
Ni-research ko ito sa Google, pero wala akong gaanong makitang information tungkol sa effectivity ng asukal para sa allergy. Pero sa nabasa kong online forum, ganito rin ang ginagawa ng mga taga-ibang bansa. May nabasa rin ako sa online forum ng mga nurse na ang pagkakaroon ng mas mataas na sugar level ng katawan ay nakatutulong upang mabawasan ang mga sintomas ng allergic reaction o anaphylactic shock. Kapag daw kasi hypoglycemic o mababa ang sugar level ng isang tao, mas nagiging malala ang kanyang allergic reaction.
Kung ang allergic reaction ay nagdudulot ng labis na hirap sa paghinga ng pasyente, isugod siya agad sa ospital upang mabigyan ng epinephrine. Tandaan na sa ospital agad isugod ang pasyente kasi hindi laging may stock ang mga health center sa Pilipinas ng epinephrine. Kung hindi agad dadalhin sa ospital ang pasyente, maaari siyang mamatay.
Sources:
https://www.care.com/c/questions/5107/does-a-spoonful-of-sugar-really-help-with-an-/
https://allnurses.com/can-sugar-alleviate-anaphylactic-reactions-t606026/
https://www.webmd.com/first-aid/allergic-reaction-treatment
https://www.brennerchildrens.org/KidsHealth/Parents/Food-Allergies/Handling-Emergencies/First-Aid-Allergic-Reactions.htm
https://www.medicalnewstoday.com/articles/321500#treatment-for-mild-allergic-reactions
0 Mga Komento