Ano ang Mabisang Pantanggal ng Kuto at Lisa?

pantanggal ng kuto at lisa

Maraming mga bata ang may kuto at lisa. Sila kasi yung laro nang laro at kung kani-kanino nakikipag-umpugan ng ulo kaya sila ay nahahawaan. Bukod dito, hindi rin sila gaanong said maligo, kaya imbis na matanggal agad ang kakaunti pang kuto at lisa sa ulo ay dumadami pa ang mga ito.

Pero meron din namang mga matatandang may kuto at lisa pa rin, lalo na yung may makakapal ang buhok. Akala nila balakubak o dumi lang na kung ano yung nararamdaman nilang kati, yun pala mga kuto na na gumagapang sa kanilang ulo.

Ang hirap magtanggal ng mga kuto at lisa, lalo na kung ito ay medyo marami na. Hindi natatanggal ang mga ito ng isang sesyon ng kutuhan. Kailangan ay araw-araw hanggang sa matanggal ang mga ito. Upang matanggal ang mga kuto at lisa, try niyo gawin ang mga sumusunod:

Mabisang Pantanggal ng Kuto at Lisa

Gumamit ng suyod

Syempre, ang unang panlaban natin sa mga kuto at lisa ay suyod. Ito ay yung suklay na may sobrang liit na mga pag-itan para sumama ang mga kuto at lisa. Noon, ang gaganda pa ng mga suyod. Yung kulay red-brown na gawa sa kahoy. Pero ngayon, ang mga suyod ay gawa na sa plastik at hindi na gaanong nakatatangay ng mga kuto at lisa. Masyado kasing malambot ang pagkakagawa.

Eto yung sinasabi kong suyod noon. Meron pa yatang mga ganito sa bangketa.
Plastic suyod

Meron namang tinatawag na magic suyod, pero parang hindi rin mabisa, lalo na kung yung buhok ay maninipis ang mga hibla. Ginagamit ko nga lang yung magic suyod sa mga alaga kong pusa, pantanggal ng mga luma nilang balahibo. Pati nag-gagalawan yung mga ngipin ng magic suyod at lumuluwag. Effective lang ang magic suyod kung sobrang dami ng kuto at lisa, pero pag kaunti lang, mukhang hindi.

Magic suyod

Kalbuhin ang buhok

Fastest way para matanggal ang kuto at lisa ay ang pagkakalbo. Sa pagkakalbo, maeexpose talaga yung anit at yung mga tira-tirang kuto at lisa ay mas mabilis mong matatanggal. Okay na okay ito para sa mga lalake. Sa mga babae namang maraming kuto at lisa, ipagupit nang maikli ang buhok para kahit papaano ay mabawas-bawasan. Pero mas okay talaga kung ipakalbo na rin lalo na kung napakarami na. Marami naman ng mga wig na pwedeng isuot kung ang inaalala ay ang appearance. Panandalian lang naman ito.

Babaran ng suka ang ulo

Effective din yung pagbabad ng suka sa ulo. Para kasi itong lason sa mga kuto at lisa, pero safe naman sa tao. Pati kapag binabaran ng suka ang ulo, parang nalulunod ang mga kuto at lisa. Basain lang ang buhok at anit ng suka at ibabad ng 20 minutes. Kahit anong brand ng suka, pwede rin ang apple cider vinegar. Yung iba, binabalot ang ulo sa shower cap para hindi gaanong magtuluan at makulong yung amoy ng suka. Kung walang shower cap, pwede naman ang ordinaryong plastik. Pagkababad, saka suyurin. Ulitin ang procedure araw-araw. Pwede rin naman 3x a week, depende sa gusto niyo.

Lunurin ang mga kuto at lisa gamit ang langis

Kahit anong uri ng langis ay pwedeng gamitin para lunurin ang mga kuto at lisa. Pwede ang langis ng niyog, anise oil, olive oil, tea tree oil, almond oil, at kahit yung mantikang panluto na bago. Ang purpose ng langis ay para dumikit at mapabagal ang paggalaw ng mga kuto at mas maging madulas ang pagtanggal ng mga lisa. Gaya ng sa pagbabad ng suka, ibabad ang langis ng mga 20 minutes pagkatapos ay suyurin ito.

Gumamit ng petroleum jelly o mayonnaise

Same concept lang din ito gaya ng paglunod ng mga kuto at lisa gamit ang langis. Para rin kasing malangis at malagkit ang mga petroleum jelly o mayonnaise. Sa ibang mga bansa, eto ang ginagamit imbis na langis. Pahiran lamang ng petroleum jelly o mayonnaise ang mga buhok at anit. Ibabad ito ng 20 minutes. Pagkatapos ay suyurin upang matanggal ang mga kuto at lisa.

Bumili ng shampoo na pantanggal ng kuto at lisa

Kung hindi niyo pa alam, may mga shampoo talaga na pantanggal ng kuto at lisa. Pumunta lang kayo sa mga malalaking botika at magtanong. Sabi ng iba, isang gamitan lang daw ng shampoo na pangkuto at panglisa, patay daw agad. Syempre, kelangan mo ring suyurin.

Mga hindi rekomendadong paraan na pantanggal ng kuto at lisa

Ang mga Pinoy, marami yang mga paraan na pantanggal ng kuto at lisa. Pero napakarami nito ay delikado at pwedeng maapektuhan ang kalusugan gaya ng mga sumusunod:

  • Pagbabad ng gas sa ulo. Ang gas ay matapang ang amoy at pwede makaapekto sa baga. Bukod dito, lason ito hindi lamang sa kuto, pati na rin sa tao. Kahit pa sabihin na sa ulo at labas lang naman, naaabsorb pa rin ito ng balat. At tsaka kung may sugat na ang anit, lalo lamang lalala ang sugat.
  • Paggamit ng pamatay pulgas ng mga hayop. Ang mga hayop gaya ng pusa at aso ay may sariling pamatay ng pulgas. Eto yung mga pinapatak sa batok. Isang patak lang nito, patay na lahat ang mga pulgas. Alam ko, kasi natry ko na ito sa mga alaga naming pusa. Iba ang formulation nito sa hayop, at kapag ginamit sa tao ay maaaring magdulot ng panganib.

Anu-ano pa ang alam niyong mabisang pantanggal ng kuto at lisa? Share niyo sa comments.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento