Napakaraming gamit ang kamatis pagdating sa mga lutuin. Pero alam niyo rin ba na marami rin itong health benefits o benepisyong pangkalusugan? Kung mahilig kayong kumain o maglahok ng kamatis sa inyong mga pagkain, maaari niyong ma-enjoy ang mga sumusunod na benepisyo:
Health Benefits o Benepisyo ng Pagkain ng Kamatis
1. Pampalinaw ng mga mata
Kilalang-kilala ang kamatis bilang pampalinaw ng mga mata. Meron kasi itong lycopene, lutein, at beta-carotene – mga nutrients na kailangan ng mga mata upang manatiling malinaw at masigla.
2. Gamot sa diabetes
Ang kamatis ay mataas din sa fiber. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng kamatis ay nakapagpapababa ng blood sugar level lalo na ng mga taong may diabetes.
3. Pampakinis ng kutis
Tanyag din ang kamatis bilang pampakinis ng kutis. Sa katunayan, maraming mga beauty soaps ang gawa sa kamatis. Meron kasi itong vitamin C na nakatutulong upang hindi mawala ang collagen ng balat. Ang collagen ay kailangan ng balat upang hindi ito mangulubot at lumawlaw.
4. Iwas cancer
Nakatutulong din ang pagkain ng kamatis upang makaiwas sa cancer. Ang taglay nitong lycopene ay maaaring makapagpababa ng posibilidad sa pagkakaroon ng kanser sa baga, prostate, obaryo, at tiyan.
5. Pampasigla ng puso
Ang kamatis ay nakapagpapasigla rin ng puso. Marami kasi itong vitamins and minerals gaya ng vitamin C, fiber, potassium, choline, folate, at iba pa. Ang mga ito ay nakatutulong upang mapanatili ang wastong presyon ng dugo at makaiwas sa heart attack.
6. Iwas pagtitibi
Kung ikaw ay madalas magtibi, maaari kang gumawa ng tomato juice upang mas madali kang makadumi. Mayaman kasi ang kamatis sa fiber.
7. Masiglang pagbubuntis
Ang kamatis ay mayroon ding folate. Mainam ang folate upang hindi magkaroon ng depekto sa paglaki ang sanggol.
May alam pa ba kayong mga benepisyo ng pagkain ng kamatis? I-share sa comment box.
Sources:
Everything you need to know about tomatoes
7 Health Benefits of Tomatoes
Tomatoes 101: Nutrition Facts and Health Benefits
0 Mga Komento