Bakit Masustansya ang Saluyot? Mga Sakit na Napagagaling Nito

benepisyo ng saluyot

Sa bahay namin sa probinsya, marami kaming tanim na saluyot. Nilalaga kasi nito ng aking nanay para panggamot ng kanyang diabetes. Bukod dito, minsan ay nilalahok din niya ang mga dahon nito sa aming ulam. Okay naman ang lasa, yun nga lang medyo may pagka-dulas yung mga dahon ng saluyot kapag luto na. Pwede itong ilahok sa dinengdeng, laswa, balatong, at mga ginisang pagkain.

Ang saluyot ay may scientific name na Corchorus olitorius. Kilala rin ito sa tawag na jute, Jew’s mallow, Egyptian spinach, jute mallow, bush okra, West African sorrel, Chang shouo ma, at krinkrin.

Mga Sakit na Kayang Gamutin ng Saluyot

Ayon sa aking mga nabasa, ang saluyot ay masustansya. Sa katunayan, marami itong mga benepisyong pangkalusugan. Ilan lamang sa mga sakit na napapagaling nito ay ang mga sumusunod:

  • Malabong mga mata
  • Kanser
  • Masakit na ulo
  • Masakit na tiyan
  • Arthritis
  • Altapresyon
  • Diabetes
  • Mataas na cholesterol
  • Sakit sa puso
  • Pagtatae
  • Dysentery
  • Pagtitibi
  • Ulcer
  • Sakit sa atay
  • Ubo
  • Sipon
  • Trangkaso
  • Obesity
  • Insomnia
  • Mga sugat
  • Marurupok na ngipin

Ang saluyot ay mayaman sa vitamin A kaya naman pwede nitong mapalinaw ang paningin. Sagana rin ito sa antioxidants at vitamin E kaya maganda itong panlaban sa kanser. Meron din itong anti-inflammatory at pain relieving properties kaya mainam ito para sa mga taong may masakit na ulo, tiyan, at arthritis. Bukod sa mga ito, ang mga fiber na mula sa saluyot ay nakatutulong upang malabanan ang altapresyon, diabetes, mataas na cholesterol, sakit sa puso, at obesity. Sa tulong din ng mga fiber at ang madulas na consistency nito, maaari ring nitong mapagaling ang mga taong nakararanas ng iba’t ibang digestive disorders gaya ng pagtatae, dysentery, pagtitibi, at ulcer.

Sa dami ng mga sakit na kaya nitong pagalingin, makabubuti na dalasan ang paglalahok ng saluyot sa paghahanda ng mga pagkain.

Sources:

http://www.medicalhealthguide.com/articles/saluyot.htm
https://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/09/10/11/salamat-dok-top-5-pinoy-vegetables
https://food.ndtv.com/food-drinks/what-are-jute-leaves-heres-everything-you-need-to-know-1904516
https://www.jutebag.co.uk/benefits-of-jute-leaves/

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento