Pampakapal ng Buhok: Mga Pwedeng Gawin Upang Kumapal ang Buhok

pampakapal ng buhok

Ang mga kababaihan at kalalakihan ay maaaring makaranas ng pagkanipis ng buhok kalaunan lalo na kapag nagkaka-edad na. Pero ang mas madalas maapektuhan nito ay mga kalalakihan kaya naman mas marami sa kanila ang nakararanas ng pagkapanot. Bukod sa pagtanda, pwede ring numipis ang buhok dahil na rin nasa lahi niyo na ito, o kaya naman ay hindi ka nakakakain ng wastong nutrisyon upang gumanda at kumapal ang iyong buhok.

Maraming mabibiling mga shampoo na pampakapal ng buhok pero ito ay mas mahal kaysa sa mga regular na shampo. Upang makatipid, subukan muna ang mga natural na paraan upang kumapal ang iyong buhok:

Gumamit ng itlog. Ang itlog ay mayaman sa protina at kailangan ito ng buhok upang kumapal. Kumuha ng 1 o 2 itlog. Batihin ang mga ito at ilagay sa anit at buhok. Upang maging mas makapit ito, basain muna ang buhok. Hayaang nakababad hanggang 30 minutes, pagkatapos ay hugasan at shampoohin.

Kumain ng masusustansyang pagkain. Maaaring numinipis ang iyong buhok dahil hindi ka kumakain nang wasto. Upang kumapal ito, kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina, omega-3, at fatty acids. Halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa sustansyang ito ay salmon, sardinas, itlog, mani, at mga gulay na beans.

Gumamit ng orange. Pwede ring gamitin sa buhok ang prutas na orange upang kumapal ito. Nagtataglay kasi ito ng vitamin C. Upang gamitin ito, iblender ang orange at imasahe ang puree nito sa anit at buhok. Ibabad hanggang 1 oras, pagkatapos ay hugasan at shampoohin.

Kuskusan ng gel ng aloe vera. Kilalang-kilala ang aloe vera bilang pampakapal at pampaganda ng buhok kaya naman madalas itong ingredient ng mga shampoo. Gayatin lamang ang dahon para lumabas ang gel. Direktang ikuskos ito sa anit o kaya naman ay iblender ang gel para maging puree. Ibabad ito ng hanggang 30 minutes bago hugasan at shampoohin.

Lagyan ng avocado. Dahil nagtataglay ang avocado ng vitamin E, maganda itong gamiting moisturizer upang kumapal ang buhok. Durugin lamang ang prutas at imasahe ito sa anit at buhok. Ibabad hanggang 30 minutes bago hugasan at shampoohin.

Pahiran ng langis ng niyog. Hindi rin mawawala sa mga natural na paraan ng pampakapal ng buhok ang langis ng niyog. Base sa pag-aaral, kaya nitong pigilan ang pagkawala ng protina sa buhok. Imasahe lamang ang 2 kutsara ng langis ng niyog sa anit at ibabad ito hanggang 30 minutes. Hugasan at shampoohin ito pagkatapos.

Napakarami pang mga natural na paraan at halamang gamot ang pwedeng gamitin upang kumapal ang buhok. Kayo, ano pang alam niyo na pampakapal ng buhok?

Sources:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/319862#remedies
https://www.fictionhair.com/herbs-for-hair-growth/
https://www.stylecraze.com/articles/28-powerful-home-remedies-for-hair-growth/

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento