Mga Pagkaing Pampatangkad ng Bata

pagkaing pampatangkad ng bata

Kung ang iyong anak ay medyo maliit at hindi angkop ang taas niya para sa edad niya, maaari mo siyang ipaghanda o ipagluto ng mga sumusunod na pagkain upang siya ay tumangkad:

  • Gatas. Ang gatas ay naglalaman ng vitamins A at D. Ang vitamin A ay tumutulong upang lumaki ang mga buto, samantalang ang vitamin D ay nagpapalakas ng mga ito. Bukod sa mga bitaminang ito, ang gatas ay may calcium na nakatutulong sa pagtangkad isang bata.
  • Itlog. Ang itlog ay naglalaman ng calories, protina, bitamina, at mineral na nakatutulong sa pagtangkad ng isang tao. Bukod dito, nakatutulong din ang pagkain ng itlog upang mas bumigat ang timbang.
  • Manok. Gaya ng itlog, ang manok ay mayaman sa protina. Meron din itong vitamin B12 na nakatutulong sa pagtangkad ng bata. Bukod sa protina at vitamin B12, meron din itong taurine na mainam para sa bone formation.
  • Isda. Ang pagkain ng isda gaya ng mga salmon at tuna ay nakatutulong sa pagtangkad ng mga bata. Meron kasi silang omega-3 fatty acids. Bagama’t mas kilala ang mga nutrients na ito bilang pampasigla ng puso, nakatutulong din ito sa paglaki ng mga buto.
  • Madadahong gulay. Hindi lamang mga pagkain na galing sa mga hayop ang nakapagpapatangkad. Ang mga madadahong gulay gaya ng kangkong, pechay, mustasa, talbos ng kamote, repolyo, at iba pa ay mainam din na pampatangkad. Meron kasi silang vitamin C, calcium, iron, magnesium, potassium, at vitamin K na kailangan ng mga buto upang mas humaba ang mga ito.
  • Saging. Ang saging ay mayaman sa potassium. Sa tulong ng mineral na ito, nagkakaroon ang katawan ng mas matibay na buto. Kung kulang ang potassium sa katawan, hindi gaanong magdidikit ang mga buto at maaapektuhan ang paghaba ng mga ito.

Bagama’t nakatutulong ang mga nabanggit na pagkain upang tumangkad ang bata, maaaring manatili siyang maliit kung ito ay nasa lahi na talaga ng inyong pamilya.

Sources:

https://ph.theasianparent.com/pampatangkad-ng-bata
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-pagkaing-nakakatulong-sa-pagtangkad
https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/photo-stories/can-drinking-milk-really-help-you-grow-taller-or-is-it-a-myth/photostory/63009764.cms
https://www.livestrong.com/article/481970-does-eating-eggs-increase-weight-and-height/ 
https://www.healthline.com/nutrition/foods-that-make-you-taller 
https://stylesatlife.com/articles/food-to-increase-height/ 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento