Health Benefits ng Pagkain ng Talbos ng Kamote

health benefits ng talbos ng kamote

Ang talbos ng kamote ay hindi lamang masarap na pangsahog at pang-ulam. Sa pagkain ng halamang ito, pwede kang magkaroon ng mas malusog na pangangatawan. Ano nga ba ang mga health benefits o benepisyong pangkalusugan ang naidudulot ng pagkain nito?

Health Benefits ng Pagkain ng Talbos ng Kamote

1. Pwede itong makapagpababa ng blood sugar

Kung wala kang tanim na ampalaya o serpentina, pwede mong kainin ang talbos ng kamote upang bumaba ang iyong blood sugar. Meron daw kasing mga anti-diabetic compound ang talbos ng kamote base sa mga pag-aaral.

2. Nakatutulong ito upang makaiwas sa cancer

Ang talbos ng kamote ay mayaman din sa anti-oxidants. Ang anti-oxidants ay mga sangkap na natatagpuan sa mga halaman at nakatutulong ang mga ito sa paglaban sa cancer.

3. Pampalinaw ng mga mata

Upang hindi agad lumabo ang paningin, huwag kalimutang ihain ang talbos ng kamote. Meron daw kasi itong lutein at zeaxanthin na nakatutulong upang mapanatiling malusog at malinaw ang mga mata.

4.  Iwas heart attack

Mainam din ang pagkain ng talbos ng kamote upang makaiwas sa heart attack at iba’t ibang uri ng sakit sa puso. Meron daw kasi itong vitaming K na nakatutulong upang hindi magbara at manigas ang mga ugat.

5. Natural na antibiotic

Ang talbos ng kamote ay nagsisilbi ring natural na antibiotic. Mayroon itong mga polysaccharide na maaaring makapuksa sa mga bacteria na nagdudulot ng bacterial pneumonia at iba pa.

6. Pampatibay ng mga buto

Ang vitamin K na matatagpuan sa mga talbos ng kamote ay nakapagpapatibay din ng mga buto. Tamang-tama ito upang makaiwas sa sakit sa buto na osteoporosis.

Sources:
Talbos ng Kamote has many health benefits
Sweet Potato Leaves’ (Talbos ng Kamote) Amazing Health Benefits

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento